Paolo Bediones opens up about his struggles with psoriasis

IMAGE Facebook

Former TV host/newscaster Paolo Bediones recently took to his Facebook account to reveal his ongoing struggle with psoriasis, a non-contagious skin condition often characterized by discolored patches.


Maraming nagulat sa revelation ng former TV host na si Paolo Bediones tungkol sa pakikipaglaban niya sa sakit na psoriasis.

Noong nakaraang July 5, nag-post si Paolo sa kanyang Facebook page ng mahabang mensahe tungkol sa sakit na matagal na pala niyang tinatago sa publiko.

Heto ang pinost ni Paolo:

Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-open up si Paolo tungkol sa sakit niya.

Noong 2014 ay naging spokesperson at ambassador siya ng Psoriasis Philippines, isang support group na binubuo ng mga kapwa niya psoriasis victims at ilan ding mga doktor at medical/dermatological volunteers.

Ayon sa website na Live Science, walang known cure ang sakit na psoriasis.

Pero may mga paraan daw para ma-treat ito sa pamamagitan ng topical medications, internal medications at phototherapy.

Meron ding mga home remedies tulad ng oatmeal bath, moderate sun exposure, and relaxation techniques such as meditation to relieve stress.

Ngayon lang ulit nagparamdam si Paolo sa media pagkatapos ng kanyang sex scandal noong 2014.

Nag-resign ito bilang anchor sa news program ng TV5 na Aksyon Tonite noong kumalat na ang sex videos niya.

Magkasunod ding nawala ang dalawa pang shows niya sa Singko na Rescue 5 at Demolition Job noong 2015.

Walang masyadong nakakaalam kung ano ang pinagkakaabalahan ni Paolo sa loob ng tatlong taong pananahimik at pag-iwas niya sa media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN