Maris Racal on Tommy Esguerra's admission of his crush on her: "Wala naman akong sasabihin except, thank you."

IMAGE Julian Mauricio

Despite having heard of Tommy Esguerra's admission that he has a crush on Maris Racal, the former PBB All-In 2nd Big Placer admits that she doesn't feel the same about him, and only considers him as her big brother. She says, "Lagi ko namang sinasabi na sa ngayon, career ko muna ang focus ko. Kuya lang talaga ang tingin ko kay Tommy at wala nang iba."


Na-late si Maris Racal sa digital conference (digicon) ng pelikulang Bloody Crayons kamakailan.

Nagsimula na ang Q&A nang makarating si Maris sa tamang branch ng Tokyo Bubble Tea Café kunsaan naganap ang digicon.

Paliwanag niya, “Na-late ako kasi wala akong driver ngayon.

“Dahil walang puwedeng maghatid sa akin, gumamit ako ng ride-sharing app.

"Kaso ang dami palang Bubble Tea dito sa Katipunan.

"Nung sinearch ko siya sa app, maraming branch ang lumabas.

"So nagpahatid na lang ako sa unang branch na sabi nung app nasa Katipunan daw.

“Ito na yung masaklap: ang layo pala niya, tipong nasa dulo na pala siya ng Katipunan.

"Pagdating ko, nagtaka ako dahil wala akong nakitang taga-Star Cinema doon.

"Saka ko lang na-realize na maling branch yung napuntahan ko.

“Bumalik ako sa kotse, pero may bago na palang pasahero yung driver na naghatid sa akin.

"So iniwan na niya ako mag-isa doon.

"Naiiyak na ako, kasi pagod at takot na ako.

"Tumawag ako sa Ate ko.

"Sabi ko, ‘Uuwi na lang kaya ako? Hindi ko na yata kaya. Sobrang haggard na ako.’”

Pero matapos nilang magusap ng Ate niya, nagdesisyon si Maris na tumuloy pa rin sa digicon kasi alam niyang hinihintay siya ng press.

“Nag-commit na ako na pupunta ako, kaya kahit haggard na ako, pinilit ko pa ring pumunta sa digicon.

"Nagpaka-professional na lang ako,” lahad niya.

Hindi ito ang unang beses na lumabas ang pagka-professional niya.

Nung nagsu-shooting pa si Maris para sa Bloody Crayons, sinigurado niyang lagi siyang prepared tuwing pumupunta siya sa set.

PROUD OF ROLE. Kaya naman proud na proud si Maris sa pagganap niya sa Bloody Crayons bilang si Richalaine, ang kikay girl ng barkada nila.

“Hindi lang siya basta suspense, may lalim din siya na pwedeng pulutan ng aral.

"Sa akin, dapat siya panoorin ng magbabarkada para matuto sila kung paano mag-handle ng mga issues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napansin ko kasi na pag malaki yung barkada niyo, hindi talaga nawawala yung mga issues.

"Di ba nga sabi nila, ‘the smaller your circle, the better’ para walang gulo?

“So gusto ko panoorin ito ng mga tao kasama ang barkada nila.

"Matututunan kasi nila sa Bloody Crayons kung paano i-save ang friendships nila, paano i-treat ang bawat miyembro ng circle nila, paano i-trust ang mga kaibigan nila, at paano magtulong-tulong para maging OK lahat ng problema.”

TOMMY'S CRUSH. Marami nang napagdaanan si Maris sa tatlong taon niya sa showbiz, kaya alam na alam niya kung ano ang dapat gawin kapag may kinakaharap siyang issue o problema—tulad ng pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Tommy Esguerra at Miho Nishida.

“Wala talaga akong kinalaman doon,” ani Maris.

“Bigla na lang kasi umamin si Tommy na may crush siya sa akin right after their breakup.

"So baka nag-assume lang yung mga tao na ako yung reason.

"Pero hindi talaga.

“Nagulat lang din ako nung sinabi ni Tommy na crush niya ako.

"Wala naman akong sasabihin except, ‘thank you.’

"Pero kung ako naman ang tatanungin niyo, hindi ko siya crush.

“Lagi ko namang sinasabi na sa ngayon, career ko muna ang focus ko.

"Kuya lang talaga ang tingin ko kay Tommy at wala nang iba.”

Paano kung ligawan siya ni Tommy? May pag-asa ba ito sa kanya?

“Siguro in time, kasi super duper fresh pa lahat ng wounds na alam nating bine-bear nila pareho ni Ate Miho.

"We never know kasi sa future.

“Pero sa ngayon, ayoko muna talaga.

"Kasi siyempre nire-respect ko pa rin yung feelings ni Ate Miho dahil friends naman kaming dalawa ever since.

"Wala akong hard feelings o issue sa kanya.

"Malaki ang respeto ko kay Ate Miho kaya ayokong maki-meddle sa kanila.”

Mas pinagtutuunan daw talaga ng pansin ni Maris ngayon ang career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, napapanood siya tuwing Linggo sa ASAP. May bago rin siyang teleserye, pero hindi pa daw siya pwedeng mag-kuwento tungkol dito.

Malapit na rin lumabas ang kanyang bagong single na “Take It All Away.”

“I'm so happy na finally magiging single na ang 'Take It All Away.'

"It's a song I wrote out of pure heartache and I can't wait to share it!!

“Thank you Direk @Alco_Guerrero for always believing in me.

"Thank you din @chinodavidmusic for producing this song. Love ko kayo dalawa!,” ani Maris sa kanyang Twitter account noong July 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN