Alfred Vargas-Yasmine Espiritu church wedding all set for July 23

IMAGE Nice Print Photography on Facebook

Former actor and now incumbent Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas and wife Yasmine Espiritu will finally have their church wedding on July 23 at the Manila Cathedral. They were previously married in a civil ceremony last August 16, 2010.


Sa nalalapit na church wedding ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas at ng kanyang misis na si Yasmine Espiritu, ipinakiusap nila sa kanilang mga invited guests na huwag magsuot ng itim, pula at puti.

Ang kasal ay gaganapin sa Manila Cathedral sa July 23.

Ang mga principal sponsors sa Vargas-Espiritu nuptials ay sina Vice President Leni Robredo, former Senator Mar Roxas, former House Speaker Sonny Belmonte, Seiko Films producer Robbie Tan, GMA Network Inc. Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable, Kris Aquino, House Representative Vilma Santos-Recto at Lolit Solis.

Secondary sponsors (cord sponsors) naman sina Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Flower girls ang mga anak nina Alfred at Yasmine na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra.

Noong May 2017, lumipad sina Alfred at Yasmine sa Italy para sa kanilang prenup pictorial, kasama ang crew ng Nice Print Photography.

Pinili ng mag-asawa ang Italy dahil ito ang kanilang favorite country. Sa Italy rin lumaki si Yasmine.

Unang ikinasal sina Alfred at Yasmine noong August 16, 2010 sa isang civil ceremony sa Superme Court.

Ang pumanaw na Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona ang nagkasal sa kanila.

Kahit nagpakasal na sila noong 2010, ginusto pa rin nilang magkaroon ng church wedding, at July 23 ang piniling petsa nina Alfred at Yasmine dahil masuwerte raw sa kanila ang mga numerong 7 at 23.

Noong nakaraang taon, July 23, nag-propose ng church wedding si Alfred kay Yasmine sa isang French-Mediterranen restaurant sa Quezon City, eksaktong 7:23 pm.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN