Elmo Magalona and Janella Salvador consider each other boyfriend-girlfriend material

IMAGE @chineebop / @dearscarjames

Bloody Crayons lead stars Elmo Magalona and Janella Salvador admit that their friendship has deepened now that they've spent more time working together. Although Elmo has no plans to court Janella anytime soon, he asserts, "Yes, I think she's girlfriend material. Gusto ko rin yung ugali niya at kung paano niya alagaan yung family niya."


Pagkaraan ng ilang buwang pagsasama sa trabaho, tinanong si Elmo Magalona kung balak niyang ligawan ang kapareha niyang si Janella Salvador.

Sagot ng 23-year-old na binata, “Hindi kasi namin minamadali ang mga bagay-bagay.

"But, yes, I think she’s girlfriend material.

"Gusto ko rin yung ugali niya at kung paano niya alagaan yung family niya.”

Sabi naman ng 19-year-old na si Janella, “Feeling ko din boyfriend material si Elmo.

“Kasi he’s very thoughtful, and I appreciate it pag caring talaga, as in lagi kang inaalalayan.

"Ganun kasi siya sa akin.”

Nangyari ang interbyu sa dalawa sa isang blog con, na kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong June 29.

Mapapanood ang rising love team ng ABS-CBN sa pelikulang Bloody Crayons ng Star Cinema, na palabas na sa July 12.

Espesyal daw sa kanila ang suspense thriller na ito.

Ani Elmo, “First film namin together ang Bloody Crayons, kaya iba ito.

"Kung sa Born for You kinikilala pa lang namin ang isa’t isa, dito naman mas nag-deepen pa ang bonding namin.

“We helped each other para mapaganda talaga itong project na ito, kaya we hope people will support it.” 

Ang Born for You ay ang unang pinagsamahan nina Elmo at Janella noong 2016, matapos lumipat ni Elmo mula sa GMA Network. 

Bagamat mild success ang kanilang unang pinagsamahang teleserye, maraming nabuong fan clubs ang dalawang stars, at ngayon ay sa pelikula na sila mapapanood.

May usapan umano sina Elmo Magalona at Janella Salvador na tutulungan ang isa’t isa para maabot ang kanilang mga pangarap.

Ayon kay Janella, matagal pa silang magsasama ni Elmo at marami pang dapat abangan ang mga tagahanga nila.

“Elmo and I had a long talk recently.

"We promised each other that we’d work together to achieve both our dreams.”

Para sa 19th birthday ng aktres, binigyan ito ni Elmo ng isang surprise celebration.

Sa kanyang Instagram account noong Marso, nag-post si Elmo ng litrato niya kasama si Janella, at sinulat nito sa caption:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This beautiful soul turns a year older today. You've accomplished so much in a year and can still make time to enjoy your life. You always think of others first, and make sure that you put a smile on people's faces including myself. You can do all of that because you are super I wish you happiness, strength to always be on top, and a belly so bottomless for all your cravings You deserve it!!! Happy birthday, Kitty"


Stories We Are Tracking

Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
Why ElNella is no longer part of Kung Kailangan Mo Ako
Why ElNella is no longer part of Kung Kailangan Mo Ako



Lalabas din sina Elmo at Janella sa pelikulang My Fairy Tail Love Story, na produksyon ng Idea First Company para sa Regal Entertainment, bagamat wala pang inaanunsiyong playdate ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN