Kim Domingo admits engaging her bashers: "Paminsan-minsan, sumusundot po ako."

IMAGE Noel Orsal

Kim Domingo admits she engages her bashers sometimes, especially when she comes across unsavory comments: "Pero ako po minsan, aaminin ko po, paminsan-minsan, sumusundot po ako. Pero hindi ko naman po inaaway nang sobra-sobra."


Alam ni Kim Domingo na marami ang nagagandahan at naseseksihan sa kanya, pero  marami na rin daw siyang mga bashers.

Inamin ni Kim na may mga pangba-bash sa kanya na nakakasakit, at natatawa rin niyang inamin na meron din siyang sinasagot sa mga ito.

“Actually, ang pinakamasakit na komentong nabasa ko is, 'Wala kang utak. Ang alam mo lang maghubad'—yung masyadong personal," sabi ng Kapuso star.

“Pero ako po minsan, aaminin ko po, paminsan-minsan, sumusundot po ako.

“Pero hindi ko naman po inaaway nang sobra-sobra,” pag-amin ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon para sa kanyang photo book, ang Kim Domingo: State of Undress. 

Ang photo book ay published ng Summit Media, na mabibili na ngayon sa mga bookstores. Noong July 1 ginanap ang book launch sa National Bookstore Glorietta 1.

Kahit baguhan pa rin si Kim sa showbiz, namumukod naman siya bilang isa sa mga baguhang marami ang naiintriga at nagkaka-interes.

Anong pakiramdam na unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya?

“Unang-una, siyempre, masaya.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na nabibigyan ako ng magagandang proyekto.

“Kumbaga, parang dati nangangarap lang na makapasok ng showbiz.

“At siyempre, ginagawa ko naman ang lahat ng ito para sa pamilya ko at masaya 'ko na natutulungan ko ang pamilya ko, nasusuportahan ko nang maayos.

“So, masayang-masaya po ako.”

Ang isa raw sa investment niya ngayon ay ang ipinapatayong bahay sa Antipolo.

SEXY PICS. Tatlo ang naging photographers ni Kim para sa kanyang photo book na nagkakahalaga ng P250.00.

Kabilang dito sina Shaira Luna, Ejay Leung, at Paolo Pineda.

Ayon kay Kim, “Yung tatlong photographers po kasi, iba-iba.

“Yung mga photos, iba-iba.

“From innocent, fresh, tapos papunta kami sa class, then edgy.

“Masaya po ako na nakatrabaho ko sila.”

Wala raw siyang mapili o masabing pinakapaborito niya sa tatlong photographers, dahil iba-iba raw ang mga style at approach ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Ako po, lahat sila.

“Wala pong naging problema.

“Lahat po sila okey, lahat po sila magaan katrabaho.”

PREPARATIONS. Diet daw ang naging una niyang paghahanda bago siya nagsimula ng photo shoot.

Aniya, “Actually ngayon po, bumalik ako sa pagda-diet at pagwu-workout.

“Gusto ko pong i-maintain na talaga dahil lakihin din ang aking tiyan.

“Diet po talaga ang importante.”

May naging limitasyon ba siya sa photo shoot?

Paliwanag niya, “Hindi lang po ipinakita yung, for example, sa boobs or private parts po.

“Basta pa-seksi po, pero hindi naman po kami sa puntong nag-all-out po talaga.

“Lahat naman po, nagustuhan ko.

“Wala rin akong favorite dahil lahat ng pictures, maganda.”

SUPPORTIVE NON-SHOWBIZ BF. Suportado raw si Kim ng kanyang non-showbiz boyfriend, at walang isyu o selosan sa pagitan nila kahit nagpapaseksi siya.

Marami ang nagsasabing ang maganda kay Kim, hindi siya katulad ng iba na idine-deny ang boyfriend para lang hindi mawala ang misteryo o interes ng mga tagahanga.

Ani Kim, “Unang-una po kasi, bago pa man ako mag-showbiz, naka-public na rin ako sa ibang bagay.

“Hindi ko na po maitatago.

“Pero hindi ko na lang siya pinag-uusapan, at gaya nga po ng sabi ko, happy po ako at wala naman kaming problema.

“Sinusuportahan naman niya ako sa mga ginagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN