Jeric Raval admits he was already married when he had a relationship with Monica Herrera

IMAGE Noel Orsal

Jeric Raval explains that he was already married when he first started his showbiz career "Ganito 'yan, bago ako mag-artista, may asawa na. Asawa ko pa rin hanggang ngayon. Siyempre noong tumatakbo ang panahon, may girlfriend ako. Siyempre noong una, itinatagu-tago ko. Alam mo naman tayo noong araw, may kalokohan tayo."


Inamin ng action star na si Jeric Raval na may asawa na siya nang maging sila ng dating aktres na si Monica Herrera.

Kuwento ng aktor, “Ganito ‘yan, bago ako mag-artista, may asawa na... asawa ko pa rin hanggang ngayon.

“Siyempre, noong tumatakbo ang panahon, may girlfriend ako.”

Si Monica ay naging leading lay ni Jeric sa ilang pelikula niya noong '90s.

Kumusta sila ni Monica ngayon?

Ayon kay Jeric, “Okey naman kami, kahapon kasama namin siya.

“Mamaya, kasama namin ulit.” 

Yung asawa niya at si Monica, okey rin?

Sabi ng aktor, “E, kasi nasa Pampanga yun. Hindi naman sila nagkikita, e.

“Pero wala namang problema. Kasi matagal naman na kaming hiwalay ni Monica.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa presscon ng Double Barrel, sa Boteyju, Robinsons Galleria, noong Huwebes, July 6.

SHORT RECONCILIATION WITH MONICA. Nilinaw ni Jeric na kahit nagkaroon siya ng relasyon kay Monica, hind sila naghiwalay ng totoong asawa niya.

Tanggap ng misis niyang nagkaroon siya ng relasyon sa ibang babae?

“Siyempre noong una, itinatagu-tago ko.

“Alam mo naman tayo noong araw, may kalokohan tayo!” natawang pag-amin ni Jeric.

Nagkaroon din daw ng asawa si Monica na taga-Australia, pero naghiwalay sila pagkatapos ng dalawang taon.

Ayon kay Jeric, “Hindi kasi ako nagtatanong.

“Noong naghiwalay sila, nagkabalikan kami.

"Kaya yung bunso namin, yun."

May bago siyang karelasyon ngayon?

“Wala,”mabilis niyang sagot.

“Yung asawa ko noong 1990, yun pa rin ang asawa ko ngayon.

“Hindi pa ako nag-aartista, kasal na ako.

“Kaya lang siyempre, at that time, itinatago pa ng OctoArts na si Jeric Raval may asawa na.”

Ngayon daw, wala na talaga siyang iba.

Aniya, “Nawawala rin. Tatamarin ka rin.

"Ako kasi, gusto ko, trabaho-bahay.

“Siyempre kung minsan, nagkakagusto rin ako sa iba, pero hanggang doon lang yun.

“Para makipag-date pa, hindi na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERIC'S CHILDREN. Walo ang anak ni Jeric; lima sa kanyang asawa at tatlo kay Monica.

Ang bunsong anak nina Jeric at Monica na si Janina Raval ay mag-aartista na rin. Kapipirma lang daw nito sa Viva Artist Agency.

Pagmamalaki ni Jeric, “Magaling kumanta ‘yan.

“Hilig niyang kumanta. Nagli-lead vocalist sa isang banda.”

Nineteen years old si Janina, pero ang pinaka-panganay raw niyang anak ay 25 years old na.

BACK IN ACTION. Samantala, nagtuluy-tuloy na ang pagbabalik sa pag-arte ni Jeric.

Mula sa paggawa ng mga teleserye sa ABS-CBN, balik-action siya ngayon sa pamamagitan ng bagong pelikula ng Viva Films, ang Double Barrel, na ipalalabas sa August 2.

Asam ni Jeric, sana ay magtuluy-tuloy na ang pagbabalik ng action movies.

“Well, sana nga tuluy-tuloy ‘to para lahat mabigyan naman ng trabaho, hindi lang ako.

“Kasi maraming nagtatrabaho sa likod ng camera, sa pelikulang action, maraming nagtatrabaho.

“Nandiyan ang mga stuntman—‘yan ang buhay nila—character actors, directors...”

Kung mawala muli ang action, aalis ba siyang muli sa showbiz?

“A, hindi naman, hindi naman!” natawang sabi niya.

“Nakakagawa naman kami ng mga drama ngayon.

“Yung The Good Son, drama yun.

“Yung sa amin nina Pokwang at Melai [Cantiveros] na We Will Survive dati, rom-com yun.”

LIFE DURING SHOWBIZ HIATUS. Noong nawala sa showbiz si Jeric, inamin nitong hindi niya kagustuhang tuluyang talikuran ang pag-arte.

Aniya, “Hindi naman ako umalis kung hindi umalis yung pelikulang action.

“Siyempre, lahat ng mga action stars, garahe.

“Hirap kaming tumanggap ng hindi akma sa image namin.

“Kasi hindi naman namin alam na ganun katagal matutulog ang action movies, e.”

Nagtrabaho raw siya sa Senate noong nawala siya sa showbiz.

“2004, six years ako dun sa office ni Senator Lito Lapid.

“I was one of his consultants at that time.

“Noong matapos na ako dun, nag-buy and sell ako ng mga used cars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangongontrata ako ng mga bahay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN