Jolina Magdangal, husband Mark Escueta involved in vehicular accident

IMAGE Noel Orsal

Nasangkot sa aksidente ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta habang sakay ng kanilang SUV sa may East Avenue, Quezon City, ngayong Lunes ng madaling-araw, July 10.


Nasangkot sa car accident si Jolina Magdangal at ang mister nitong si Mark Escueta nitong Lunes ng madaling-araw, Hulyo 10.

Ayon sa ulat ng GMA News, isinugod ang mag-asawa sa kalapit na ospital matapos banggain sa likuran ang kanilang SUV ng isang van sa may East Avenue, Quezon City.

Base naman sa ulat ng InterAksyon, kasama nina Jolina at Mark sa sasakyan ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Pele.

Ayon sa driver nina Jolina at Mark na si Orly Sabolino, papunta sila sa airport dahil magbabakasyon ang mag-asawa.

Nakahinto raw ang kanilang sasakyan dahil sa red light, sa bandang harapan ng Philippine Heart Center, bandang 1:30 ng umaga nang bigla silang banggain ng van.

Sa lakas ng pagkakabangga ng van, nayupi ang bandang likuran ng SUV nina Jolina. Ganundin ang harapan ng van.

Base pa rin sa ulat ng GMA News, hindi pa alam sa kasalukuyan kung anong natamong pinsala nina Jolina at Mark.

Ang driver naman ng van, na kinilalang si Peter Sevilla, ay na-trap sa loob ng kanyang sasakyan matapos ng banggaan, at dinala rin siya sa ospital nang makalabas na ito.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga pasehero ni Sevilla, na nagngangalang Miriam Bondoc, papunta sila sa Makati nang maganap ang insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN