Pregnant Pokwang hospitalized; advised to be more careful

IMAGE Noel Orsal

Pokwang (in photo) has been hospitalized and, according to her friend K Brosas, is prohibited from moving too much. 


Naospital ang comedienne na si Pokwang, 44, na ngayon ay dalawang buwang buntis sa American boyfriend nitong si Lee O’Brian, 41.

Nitong weekend, nag-post si K Brosas sa Instagram ng larawan ng magkahawak na kamay nila ni Pokwang.

Mapapansin na ang isang kamay ay nasa hospital bed at naka-dextrose.

Sa caption, ikinuwento ni K na nasa mabuting kalagayan na si Pokwang, subalit kinakailangan daw nitong maging mas maingat at halos bawal itong gumalaw.

Dagdag pa ni K sa kalagayan ng kaibigan: “pero ok naman si baby obrian.. pero sana include nyo naman po Sila sa prayers nyo para mas maging smooth at safe ang buong pregnancy… Salamat po! Lablablab! #friendsforlife”

Hindi binanggit ni K ang dahilan kung bakit naospital si Pokwang.

Sa comments section ay nagpasalamat naman si Pokwang kay K sa oras nitong ibinigay sa pagbantay sa kaniya.


Ito ang pangalawang pagkakataong nabuntis si Pokwang sa American boyfriend nito.

August 2015 nang ianunsiyo ni Lee na nagkaroon ng miscarriage si Pokwang sa dapat sana ay una nilang baby.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN