Boy Abunda clueless about Kris Aquino's next TV move

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Boy Abunda on Kris Aquino: "Alam ni Kris kung saan siya nararapat, and that girl knows what she deserves and how to get there. Huwag tayong magkunwari na nagdunung-dunungan at mas marami pa tayong alam kesa sa kanya. That girl is brilliant."


Wala raw alam si Boy Abunda sa nangyayari ngayon sa career ng matalik niyang kaibigang si Kris Aquino.

Hindi rin daw alam ng beteranong TV host kung totoong magbabalik-telebisyon na ang tinaguriang Queen of All Media.

“I don’t know. Kris is doing so well with her digital platform... I really don’t know,” sabi ni Boy, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 1st Entertainment Editors' Awards, na ginanap sa Kia Theatre, Linggo ng gabi, Hulyo 9.

Kamakailan ay may lumabas na balitang may negosasyong nagaganap sa pagitan ni Kris at ng isang network. Kasabay nito ay ang bali-balitang baka bumalik sa ABS-CBN si Kris.

Pero diin ni Boy, “I really don’t know. Everything is possible. 

“Sa akin, for somebody as big and as talented as Kris, everything is possible.”

Noong September 2016 ay nilisan ni Kris ang bakuran ng ABS-CBN matapos ng 20 taon.

Kung si Boy ang masusunod, mas gusto ba niyang maging Kapamilya muli si Kris?

Mabilis na sagot ni Boy, “No... Kung ako ang masusunod, I want her to follow her heart.

“I mean, only Kris knows what’s best for her.

“I will support what she does, but I am not in a position to tell her where she’ll go. 

“Alam ni Kris kung saan siya nararapat, and that girl knows what she deserves and how to get there.

“Huwag tayong magkunwari na nagdunung-dunungan at mas marami pa tayong alam kesa sa kanya.

“That girl is brilliant.”

INTERNATIONAL FILM. Bilang isa sa mga tumatayong manager at malapit na kaibigan ni Kris, tinanong din si Boy kung ano ang alam niya sa napabalitang international film ni Kris.

Aniya, “What you know is what I know. I’m glad that she got the role.

“I can’t speak about it. I don’t know much about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am not in authority to speak about it in details.

“May mga konti akong alam, pero hahayaan ko sila na mag-anunsiyo.”

Pero masaya raw siya sa nangyayari kay Kris.

“Oo naman, oo naman... I am happy. I’m always happy for Kris.”

Si Kris ang isa sa pinakamatagal niyang nakasama bilang co-host sa mga naging programa nila noon sa GMA-7 at ABS-CBN. Hindi ba niya ito nami-miss?

“Nami-miss naman,” sambit ni Boy.

“Kahit kami ni Kris magkasama sa isang palabas, hindi kami groufie. Hindi kami nagsasamang kumain.

“Unless we need each other; halimbawa, nagpapasamang mamili.

“But we’re not clingy to each other.

“Alam niyo naman yun, magkasama kami sa ABS. Pag-uwi, nag-uusap…

“Pero hindi kami yung she’s dependent on me or I’m dependent on her.

“Pero pareho pa rin. Nagkakausap sa telepono, nagkakamustahan.”

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD. Samantala, si Boy ang kauna-unahang tumanggap ng Joe Quirino Lifetime Achievement Award mula sa 1st Entertainment Editors' Awards o Eddys.

Ang Eddys ay binuo ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEED, na pinamumunuan nina Isah Red, Salve Asis, Nestor Cuartero, Eugene Asis at iba pang newspaper and tabloid editors.

Ipinangalan nila ang parangal sa yumaong beteranong TV host na si Joe Quirino, na host ng programang Seeing Stars With Joe Quirino.

“Siyempre, flattered,” pakli ni Boy nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya.

“Gustung-gusto ko si Mang Joe. I know Mang Joe Quirino.

“I used to watch his show. So, I’m really honored. 

“Sabi ko nga kanina, I received my award with love and so much respect—the iconic Joe Quirino.”

Hindi na raw niya naabutan si Joe Quirino nang maging host siya, pero napapanood daw niya ito rati.

“I had the chance to know Mang Joe. Napakasimpleng tao. Bandang dito ‘yan [nakatira], sa Project 4.”

Kuwento pa ni Boy, “Meron nga akong anecdote niyan. Isang beses kasikatan niya, nakita ko siyang nagdyi-jeep.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN