Rhian Ramos on placing 3rd in 2017 FHM 100 Sexiest Women: "Parang weird."

IMAGE Noel Orsal / @whianwamos on Instagram

"Weird" daw para kay Rhian Ramos na nakasama siya sa 2017 FHM 100 Sexiest Women. Ngunit nagpapasalamat daw siya sa kanyang fans na walang sawang nag-text at bumoto para sa kanya at napili siyang third sexiest woman ngayong taon. 


Hindi makapaniwala si Rhian Ramos na napili siya bilang 3rd Sexiest Woman ng FHM ngayong 2017.

Sa edad na 26, tila huli na raw para sa kanya, ngunit masaya pa rin siya.

Sabi ni Rhian, “I don’t know nga, e, wala pang mas na-surprise pa kaysa sa akin.”

Hindi raw niya inasahang mapabilang siya sa Top 10 Sexiest, ngunit nagpapasalamat pa rin ang aktres sa fans na bumoto sa kanya.

Si Nadine Lustre ang napili bilang 2017 FHM Sexiest Woman.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre is FHM Sexiest Woman 2017
Nadine Lustre is FHM Sexiest Woman 2017
Nadine Lustre thankful for 2017<em> FHM </em>Sexiest Woman title
Nadine Lustre thankful for 2017 FHM Sexiest Woman title

Ayon kay Rhian, “Parang weird. Parang weird, pero masaya kasi…

"I mean, although I don’t always feel sexy, it’s a reminder na may mga tao na sila yung naglagay sa akin dun just by voting every day.

“Ibang klaseng sipag to vote every day.

"So, flattering para sa akin na may fans ako na they think of me like that, they think na karapat-dapat ako dun.”

Sa Instagram naman, sinabi ng Kapuso actress: “Hindi naman sa naniniwala ako na literally Im the 3rd sexiest, but definitely, Im the 1st thankful-est for all the votes! Thank you so much for this giant compliment. I hella wanna work out for you guys now. I love you all and I dont take for granted your efforts in uniting for me. I am truly, truly most grateful.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa red carpet ng 1st Entertainment Editors' Awards o Eddys, na ginanap sa Kia Theatre, Cubao, Quezon City, kagabi, July 9.

GRATEFUL FOR THE RECOGNITION. Malaki rin ang pasasalamat ni Rhian na kabilang siya sa mga nominado bilang Best Actress sa Eddys, para sa kanyang pelikulang Saving Sally.

Kalaban niya sa nasabing kategorya sina Supertar Nora Aunor para sa Tuos, Star for All Seasons Vilma Santos para sa Everything About Her, Queen of Comedy Ai-Ai delas Alas para sa Area, Cannes-winning actress Jaclyn Jose for Ma'Rosa, network executive Charo Santos for Ang Babaeng Humayo, at ang newcomer na si Hasmine Killip for Pamilya Ordinaryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rhian, “I’m so happy about it.

"Ayun na nga, sa tagal na naming ginawa and finally pinalabas na late last year, hanggang ngayon nire-recognize pa rin siya."

Si Vilma ang nag-uwi ng parangal bilang Best Actress.

Kasama ni Rhian na dumalo sa awards night ang boyfriend niyang si Jason Choachuy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN