Ali Khatibi loves everything about wife Cristine Reyes: "What's not to love?"

IMAGE Glenn Regondola

Ali Khatibi says his wife Cristine Reyes is misunderstood, attesting she is just being real. He says, "Totoong tao si Cristine, sincere… What you see is what you get. Minsan nami-misinterpret ang sinasabi niya kasi hindi siya showbiz."

 


Apat na taon na ang pagsasama ng mixed martial artist na si Ali Khatibi at ng aktres na si Cristine Reyes. Ngunit isang taon pa lamang mula nang ikasal sila.

Ano ba ang mga katangian ng asawa na mas napapamahal siya?

"What’s not to love?” balik-tanong ni Ali.

“Ang pinakagusto ko kay Cristine, totoong tao si Cristine, sincere siya.

"What you see is what you get. Kung may problema, sinasabi niya… totoo siya."

May imaheng mataray si Cristine, bagay na nilinaw ni Ali.

“Minsan nami-misinterpret ang sinasabi niya kasi hindi siya showbiz, sobrang totoong tao.

“And that’s what something I love about Cristine.

“It’s seldom na you find people na totoo sa sarili at totoo sa mga tao.

“She has a good heart. Very generous sa pamilya niya, mga kapatid niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ali sa presscon ng pelikulang Double Barrel, na ginanap sa Boteyju, Robinsons Galleria, noong nakaraang linggo.

Ito ang unang pelikula ni Ali bilang talent ng Viva Artists Agency.

DOMESTICATED. Nawala na ba ang pagka-mainitin ng ulo ni Cristine? Kilala kasi ito sa ganitong ugali noong dalaga pa ang aktres.

Ayon kay Ali, “Mainitin ang ulo niyan kapag marumi ang bahay... ano siya, OC [obsessive-compulsive]. 

“She’s very domesticated, maalaga siya sa bahay, and that’s what I like about Cristine.

“When you come home, organized lahat.”

Puring-puri nga nito ang asawa.

“I feel blessed kasi napakamabuting asawa ni Cristine.

“Maalaga siya sa anak namin, very hands-on. Kahit naman sa akin, she makes time for us.

“Siyempre, yung pag-aaway, hindi naman nawawala sa mag-asawa, ang pagtatalo.

“But, at the end of the day, pinag-uusapan niyo.” 

JEALOUS TYPE. Pero aminado si Ali na may pagkaselosa si Cristine.

Kuwento niya, “I also teach in the gym, siyempre may mga babae diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan titingin sa picture, ‘O, sino ‘yan?’ Nothing serious naman.

“Meron lang siyang isang girl na sinasabi niya sa akin na may gusto raw sa akin. 

“Sabi ko, praning siya. Sabi niya, ‘Hindi ako praning. Instinct ng babae yun.’ 

“Mga ganun, pero hindi naman away totally.” 

Kung si Cristine daw ang masusunod, gusto nitong bigyan na ng kapatid ang anak nilang si Amarah.

Pero siya raw ang kumokontra.

Paliwanag ni Ali, “Huwag muna. Naghu-hold back ako.  

“Gusto ko pang ma-enjoy si Amarah, two years old pa lang.

“Yung bahay namin, mabayaran muna namin... siguro soon.

“At saka, siya, may bago siyang movie kasama sina Aga [Muhlach], Dingdong Dantes, Enrique [Gil].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN