Boy Abunda affirms close friendship with Kris Aquino even after she left ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Boy Abunda defines his friendship with Kris Aquino: "Pilitin man ng iba, walang nagbabago sa pagiging magkaibigan namin. Hindi nasusukat ang pagiging magkaibigan sa pagdating o pagdalaw sa bahay. Hindi pa naman natatapos ang buhay ngayon, mayroon pang bukas… walang nababago sa aming pagiging magkaibigan ni Kris."


Nilinaw ni Boy Abunda ang estado ng pagkakaibigan nila ni Kris Aquino.

Mula kasi nang umalis sa ABS-CBN si Kris matapos ng kontrata nito, naging madalang na ang balita sa pagiging close nila ni Boy.

May mga okasyon din sa personal na buhay ni Kris na hindi na nakikita si Boy; maging si Vice Ganda na itinuturing ding matalik na kaibigan ng Queen of All Media. 

Kabilang dito ang house blessing ni Kris kamakailan, na dinaluhan ni Vice President Leni Robredo.

Paliwanag ni Boy, “Kahit nagtatrabaho kami ni Kris, hindi ako clingy.

“Even those times when we were together sa ABS CBN, after we’ve worked together, kahit birthdays.

“At saka hindi talaga ako maka-party, maka-blessing. 

“I’d like to think we have time for friendship… nag-uusap kami.

“At sabi ko nga sa kanya, about two or three weeks ago, ako’y makikikain sa kanyang tahanan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy matapos niyang tanggapin ang Joe Quirino Memorial Award mula sa 1st The Entertainment Editors' Awards, na ginanap sa Kia Theatre noong Linggo, Hulyo 9.

NOTHING HAS CHANGED. Kinukuwestiyon ng ilang followers at fans ni Kris ang friendship nito sa kanyang mga naging close sa Kapamilya network, tulad nina Boy at Vice. 

Kamakailan lang, nag-post si Kris ng larawan ng anak niyang si Bimby kasama ang young Kapamilya singer na si Darren Espanto. 

Kadikit ng larawan ay ang chocolates na pasalubong ng teen singer sa mag-ina nang bumisita ito sa kanilang bahay.

Sa caption, sinabi ni Kris na natutuwa siya kay Darren dahil hindi ito nakakalimot sa kanya. 

Dito nag-comment ang kanyang supporters tungkol sa mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya network, na hindi man pinangalangan ay pinatutungkulan sina Boy at Vice.

Pahayag ni Boy tungkol dito, “Hindi ko alam kung nasaan sila, pero ako narito pa rin. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung isang araw kami nag-usap, pareho pa rin ang relasyon, nagkukuwentuhan, nag-uusap. 

“May mga nagtatanong pa rin tungkol sa trabaho at dumadaan pa rin sa akin, ipinapasa ko pa rin sa kanya.

“Pilitin man ng iba, walang nagbabago sa pagiging magkaibigan namin.

“At sa aking palagay, hindi nasusukat ang pagiging magkaibigan sa pagdating o pagdalaw sa bahay.

“Dahil hindi pa naman natatapos ang buhay ngayon, mayroon pang bukas, at isang araw magkikita-kita ang lahat."

Diin ng veteran TV host, “Walang nababago sa aming pagiging magkaibigan ni Kris.”

Sinasabing si Boy ang consultant ni Kris pagdating sa project offers nito.

Pero ayon sa Tonight With Boy Abunda host, mas malawak pa rito ang kanilang relasyon.

Saad niya, “Its broader than that. I am not just a consultant, I’m a friend. 

“Kahapon lang, merong mga inquiries na sa akin dumadaan, meron naman sa bago niyang team.

“Meron namang idinadaan namin doon, tulad pa rin ng dati.”

CONTRACT WITH ABS-CBN. Nagbigay rin ng opinyon niya si Boy sa statement ni Kris na ang ABS-CBN daw ang umayaw sa pagpapatuloy ng kontrata niya sa network matapos itong mag-expire.

Ani ni Boy, “It’s difficult to be a star, you have to be constantly validated. 

“When you lose a show, you get the feeling, ‘Gusto pa ba ako?’ O, ‘Hindi na ba ako gusto?’

“So, it might have been momentary.

"Siyempre, naglalakbay ka dito sa industriyang ito.

“Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo, sa mga tao.

“So, yung statement na ganun, suspetsa ko, ha, can just be momentary. 

“Lahat pinagdadaanan natin yun, that moment of uncertainty. 

“Yun ang basa ko roon, pero hindi ako naninigurado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN