Lea Salonga defends Sarah Geronimo's The Voice Teens choices

IMAGE Noel Orsal

Dinepensahan ni Lea Salonga ang kapwa coach sa The Voice Teens na si Sarah Geronimo laban sa ilang bashers. Ayon kay Lea, alam ni Sarah ang kanyang ginawang desisyon sa pagpili ng tatlong contestants na magpapatuloy sa live shows ng palabas.


Hindi aprubado sa ilang fans ang mga napili ni Coach Sarah Geronimo para magpatuloy sa live shows ng ABS-CBN reality-singing competition na The Voice Teens.

Noong Linggo, July 9, naganap ang knockout round para sa siyam na contestants ng #TeamSarah, kung saan kailangang pumili ni Sarah ng tatlong singers na magpapatuloy sa kumpetisyon.

Sina Jona Marie Soquite, Nisha Bedana, at Ivan Navares ang tatlong napili ng Popstar Royalty para magpatuloy sa live shows.

Ayon sa ilang netizens, mukhang pinairal daw ni Sarah ang kanyang damdamin at hindi ang galing ng performers.

Sa Twitter, nagtanong si Coach Lea sa kanyang followers kung ano ang na-miss niya sa show dahil hindi raw siya nakapanood sa knockout round ng #TeamSarah.

Ayon sa kanyang tweet, "Was unavailable for live tweeting today, spent the day with my @atlantisprod family. What did I miss? Let me know please! #TVTTeamSarahKOs."

Sagot ng ilan, marami raw nang-bash kay Sarah dahil sa kanyang mga napili.

Sabi naman ng Pinay Broadway Diva, “Why is she getting hate? She knew going in that she can't please everyone. Kelangang panindigan ang mga choice niya. If she wins, hala kayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN