AJ Muhlach quashes drug rumor about him

IMAGE Glenn Regondola

AJ Muhlach is being launched by Viva Films as an action star. "Matagal na rin talaga kasi ang walang gumagawa ng action movies ngayon, di ba? So, pakiramdam ko rin, marami na ang nasasabik," he says.


Nagulat ang aktor na si AJ Muhlach na naiisyu siyang gumagamit umano ng bawal na gamot dahil sa hitsura niya ngayon na payat at may pagkabalbas-sarado.

Noon kasing nagsisimula siya sa showbiz, clean-looking at medyo may katabaan si AJ.


Kaya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang binata sa presscon ng pelikulang Double Barrel, na ginanap sa Boteyju Japanese restaurant, sa Robinsons Galeria, noong July 4, nilinaw niya ang nasabing isyu.

Pahayag ng Viva talent, “Talaga? Adik po ako dito sa pelikula lang.

“Ano po… nagkasakit po ako. May sakit po ako sa gallbladder.

“Actually, dala ko ngayon ang mga gamot ko.

“Hindi ako masyadong makakain, marami pong bawal kainin.

“Marami po kasing polyps.

“Kaya yun po ang dahilan, bumagsak po [ang katawan ko], at nag-lose ako ng eight pounds in 25 days.

“Nawala rin yung winork-out ko, e.”

NEW LOOK, NEW IMAGE. Dahil na rin daw sa role niya sa Double Barrel kaya may nabago sa hitsura niya ngayon.

Saad ni AJ, “Si Direk Toto [Natividad] din ang nag-decide sa hitsura kong ganito.

“Pinaitim ako, tinabasan [yung buhok ko], binutasan yung kilay ko sa set.

“Adik nga ako dito.”

Pero sarili rin daw niyang desisyong magbago ng imahe.

Hindi rin daw siya puwedng mag-adik dahil sa kanyang long-time girlfriend na laging nakagabay sa kanya at sa career niya.

Sabi ng newbie action star, “Oo, bago pa ako mag-showbiz… magsi-seven years na po kami.

“Si Anna Mabasa, taga-Viva din po siya.

“Gusto rin po niyang mag-artista, ako na rin ang nag-decide na i-try niya.”

ACTION STAR. Dahil action movie ang first starring role niya, hindi ba siya nahirapan, lalo na't ngayon lang siya mag-a-action?

Pahayag ni AJ, “Confident naman po ako sa action.

“Yung kaba po, parang wala na rin.

“Yung kaba ko po, mas dun sa actual shooting namin nung movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas dun ako kinabahan, kasi noon, hindi ko pa alam kung kaya ko ba yung action.

“Pero after ilan naman pong days, okey naman po.”

Paano niya napagdesisyunang maging isang action star?

Dati kasi siyang miyembro ng all-male P-Pop group na XLR8.

Saad ng 26-year old Viva actor, “Si Boss Vic [del Rosario] po ang nag-decide na mag-action ako.

“Gusto niya na gumawa ako ng action films.

“Okey naman po, tinake ko na rin ito as a challenge.

“Dahil matagal na rin akong nagsu-showbiz, kaya sabi ko, i-try ko nga.

“Wala naman sigurong masama if I do something new dun po sa mga dati ko nang ginagawa.”

Patuloy ni AJ, “Nag-try na rin po akong mag-drama sa ilang movies sa Viva, so why not try action movies naman.

“Matagal na rin talaga kasi ang walang gumagawa ng action movies ngayon, di ba?

“So, pakiramdam ko rin, marami na ang nasasabik.

“Tapos nagustuhan pa ni Boss Vic ang project na ito ni Direk Toto, kaya mas lalong tumaaas ang confidence ko sa sarili ko.

“Nandun yung full support, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN