That's My Bae member Miggy Tolentino involved in basketball brawl

IMAGE Noel Orsal

That's My Bae Miggy Tolentino involved in a brawl after a basketball game in Caloocan City.


Nasangkot sa away ang That's My Bae member na si Miggy Tolentino matapos makipaglaro ng basketball sa Maypajo, Caloocan City, kamakailan.

Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Lunes, July 10, nakaalitan ni Miggy ang referee sa basketball game na kanyang sinalihan.

Base sa kuha ng CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan ng gulo, makikita ang Trops star na may hawak na mahabang bagay.

Ayon sa mga saksi, isa umanong kutsilyo ang hawak ni Miggy.

Sa panayam sa referee na si Tonton Fajardo, sinabi nitong posibleng ang isang foul na tinawag niya laban sa teammate ni Miggy ang ikinagalit ng huli.

Dalawang beses daw sinubukang ayusin ng nasasakupang barangay ang alitan sa pagitan ni Miggy at ng referee, ngunit hindi raw nakakadalo ang That's My Bae member dahil sa taping.

Muling ni-reset ng barangay ang pagpupulong sa dalawa sa Huwebes, July 13.

Sa ngayon ay wala pang anumang pahayag ang That's My Bae member.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag na nais iparating ni Miggy tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN