Eugene Domingo willing to give up showbiz career for Italian boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Eugene Domingo on Italian boyfriend Danilo Bottoni: "We love to talk, we're both crazy. We love to sing and we're very spontaneous. Meron kaming plano, pero mas adventurous kami, and we love to kiss… we love to kiss!"


“Siya!”

Ito ang mabilis na sagot ni Eugene Domingo nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pipiliin niya kapag dumating ang panahong kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang Italian fiancé na si Danilo Bottoni o ang showbiz career niya.

Paliwanag ng Kapuso actress-TV host, “Hindi naman ako 26 years old. Forty-six na ako sa birthday ko. Thank you, Lord…

"At saka tingin ko naman, as an actor, marami na rin naman akong na-contribute.

“So it’s about time to really focus on my… what is new to me.”

Naiisip din daw ni Eugene na darating ang araw na iiwanan niya nang tuluyan ang Pilipinas para maging permanent resident ng Italy, ang bansa ni Danilo.

“Pero bibisita ako kasi hindi naman nagre-retire ang artista.

“Kahit 92 years old na kami, basta kaya pa at nakakapag-memorize pa, may roles para sa amin.

“Gustung-gusto kasi ni Danilo na umaarte ako,” pahayag niya.

Nakausap ng PEP si Eugene sa taping ng Dear Uge sa Masambong, Quezon City, kahapon, July 11.

PARMA, ITALY. Sa July 23 ang 46th birthday ni Eugene, at ipagdiriwang nito ang kaarawan sa Parma, isa sa mga pinakamagandang siyudad sa Italy na tinitirhan ni Danilo.

Kahit maraming beses nang pabalik-balik si Eugene sa Parma, tourist visa pa rin ang pinanghahawakan niya.

“Hindi pa ako residente… hopefully next year, God willing.

“Sa July 16, pupunta ako sa Italy.

“Babalik ng August 7 para sa taping ng Celebrity Bluff.”

Ano ang mga plano ni Eugene sa birthday niya?

“Plano? Kasi alam mo doon, napaka-peaceful lang, e.

“Maybe we can visit a castle or go to Verona. Mahilig kaming pumunta sa mga countryside.

“Pati yung ways and culture nila, parang Pilipino rin.

“Mahilig kumain, mahilig magsaya, close yung family.

“They’re very open, pero mas passionate sila kesa sa atin.

"Mas expressive sila when it comes to love and arts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Eugene tungkol sa kanila ni Danilo, “We love to talk, we’re both crazy.

“We love to sing and we’re very spontaneous.

“Meron kaming plano, pero mas adventurous kami, and we love to kiss… we love to kiss!”

Umamin din si Eugene na typical housewife siya kapag magkasama sila ni Danilo sa Parma.

Malaking bagay raw na dumating sa buhay niya si Danilo noong mahigit 40 na ang kanyang edad dahil established na siya.

“Wala ka nang mga struggle sa buhay. You’re just enjoying yourself and the things you have acquired,” sabi ni Eugene.

Ipinagmamalaki din ni Eugene na hindi uso sa kanila ni Danilo ang pagseselos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN