Daniel Padilla and Kathryn Bernardo appeal to fans to stop bashing Tony Labrusca

IMAGE Noel Orsal

Nakiusap sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ilan sa kanilang fans na tigilan na ang pangba-bash ng mga ito kay Tony Labrusca dahil karakter lang daw ang ginagampanan nito sa kanilang teleseryeng La Luna Sangre


Hindi ikinatuwa nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pangba-bash ng ilang avid KathNiel fans kay Tony Labrusca dahil sa pagiging third wheel nito sa kanilang love team sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre

Sa isang Facebook post, pinalagan ni Tony ang “cyber bullying” na kanyang naranasan bilang love interest ni Kathryn sa La Luna Sangre.

Pahayag ng dating Pinoy Boyband Superstar contestant: “I’m completely appalled by the amount of cyber bullying going on these days.

"Being a third party to the KathNiel love team, I know and accept that there will be bashing.

"However, I do not condone it. Especially when Kathryn and Daniel are anti-cyberbullying ADVOCATES.”

Patuloy niya, “How can KathNiel fans say 'Kathniel or die' and 'respeto naman po' when they don’t even understand nor RESPECT what they’re favorite loveteam stand for?

“This amount of hate has got to stop and it starts with me right here, right now.

"Time to spread awareness to the very real and sometimes very dangerous effects of Cyberbullying.”

EFFECTIVE PORTRAYAL. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media sina Daniel at Kathryn sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2017 launch, na ginanap sa Luxent Hotel, Martes ng gabi, July 11.

Dito ay sinabi ni Daniel na palabas lang ang La Luna Sangre at ginagampanan lamang nila ang kani-kanilang mga karakter.

Saad pa ng aktor, “I’m sure na aware si Tony na mangyayari yun [bashing]... pero kailangan niyang tanggapin.

“And kailangan niyang tanggapin and kailangan ding tigil-tigilan ng mga fans.

"Tigilan niyo. It’s just a show.

“Pero relax lang, huwag kayo nang-aano ng mga tao dahil hindi naman sila yun, character lang nila yun.”

Dagdag pa ni Daniel, effective ang pag-arte ni Tony dahil naaapektuhan ang fans sa kanyang karakter.

Aniya, “Kung nagagalit kayo, e, di effective. Guys, please.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Kathryn, “E, siguro naman, maraming naano din siguro sa character niya pero… marami rin namang natutuwa.”

Sabat pa ni Daniel, “Marami ring natutuwa, kung natutuwa sila sa character ni Tony, which is good, di ba?

“Meaning, effective siya at natutuwa yung mga tao and malaking tulong din ‘yan sa amin.

“Kaya yung mga nagagalit, ganun naman talaga, negative, positive, it’s life.”

Samantala, ang KathNiel ang itinanghal na Most Beautiful Stars ng YES! ngayong taon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN