Albie Casiño: "So nice to be controversy-free."

IMAGE Noel Orsal

Albie Casiño could not help but feel ecstatic because he is now "controversy-free." He revealed, "I'm a lot more cool when I come to events. I used to hate going to events, for real. I didn't wanna talk to anyone, I didn't wanna get asked any question. But right now, it's whatever, it's all good now."


Abot-tenga ang ngiti ni Albie Casiño nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa YES! 100 Most Beautiful 2017 unveiling press conference, na ginanap sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, Martes ng gabi, July 11.

Kabilang ang Kapamilya hunk sa “Sizzling Hot” category ng annual special issue ng YES! Magazine.

Inusisa ng PEP sa 23-anyos na aktor kung ano ang pakiramdam na maikunsiderang "hot"?

Sagot ni Albie, “Okay naman. I mean, I don’t consider myself as hot.

“I just do what I do. I don’t really think about that when I wake up in the morning.

"I don’t think about 'What do I do to be hot today?'

“I just do what I have to do.”

Ano ang pakiramdam na muli siyang nabibigyan ng oportunidad matapos ang ilang taong pananamlay ng career?

“So nice to be controversy-free. Can I just say one time?” natatawang sagot ng aktor.

“It’s been, what, five years? So it’s nice.

“I’m a lot more cool when I come to events.

“I used to hate going to events, for real.

"I didn’t wanna talk to anyone, I didn’t wanna get asked any question.

“But right now, it’s whatever, it’s all good now.”

Taong 2011 nang masangkot sa kontrobersiya si Albie dahil sa pagbubuntis ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Si Albie ang itinurong ama ng dinadala ng aktres.

Kasagsagan noon ng career ni Albie sa ABS-CB, ngunit naunsyami ito dahil sa kontrobersiya.

Kasabay ng pananahimik ng kampo ni Albie sa isyu ay ang pagtamlay rin ng kanyang showbiz career.

Hindi naman tuluyang umalis ng showbiz ang binata dahil gumawa siya ng mga proyekto sa GMA-7 at TV5. 

Pagkalipas ng limang taon, noong 2016, nabunyag na hindi si Albie ang ama ng anak ni Andi, kundi ang isa pang ex-boyfriend ng aktres na si Jake Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling umangat ang career ni Albie nang masama ito sa ABS-CBN primetime series na On The Wings of Love, na pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre, noong 2015.

Sa ngayon, kasama si Albie sa upcoming Pista ng Pelikulang Pilipino entry na Triptiko.

“I’ve been waiting for that for two years now. I shot that in 2015 and it’s nice I’m finally gonna be able to see it now,” sabi niya tungkol sa pelikula..

Bukod dito, kabilang din si Albie sa ASAP Coverboys, kasama sina Luis Hontiveros, Tommy Esguerra, Clint Bondad, at Tanner Mata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN