Kathryn Bernardo, Daniel Padilla defend "overprotective" KathNiel fans

IMAGE Noel Orsal

Daniel Padilla on his and Kathryn Bernardo's working attitude: "Hindi lang siya para kumita or anything, kundi para sa kanila, quality talaga ang ibinibigay namin."


Aminado sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na malaki na ang pagbabago nila bilang indibidwal na artista at bilang magka-love team.

Sa ginanap na unveiling ng YES! 100 Most Beautiful Starsof 2017 kagabi, July 11, nabanggit ng managing editor ng magazine na si Anna Pingol ang nakita niyang pagbabago nang mag-shoot para sa cover sina Kathryn at Daniel.

Sabi ni Anna, “Masaya at saka relax na sila ngayon. Mas matured na rin, mas mahaba na sumagot, sentences na.”

Sinang-ayunan naman ito ng popular Kapamilya love team, na unang nagkatrabaho sa drama series na Growing Up (2011)

Ani Kathryn, “Sa pagbabago, siguro mas nag-mature kami.

“Alam naman namin na mga bata kami six years ago, mga totoy at nene pa po kami.

“Over the years, yun ang maganda, nag-grow po kami together.

"Siguro mas naging mas matatag kaming dalawa.”

Samantala, tinanong din ang lead stars ng Kapamilya primetime series na La Luna Sangre kung ano ang dahilan ng pananatiling matibay ng kanilang love team.

Sagot ni Daniel, “Ang masasabi ko lang siguro, king kami lang talaga ni Kathryn, siguro tuwing may ibinibigay na project sa amin—kahit mapapelikula o teleserye—talagang mayroon kaming goal na gusto naming makamit.

“At saka hundred percent ang ibinibigay namin sa projects na ibinibigay sa aming dalawa.

“At saka punung-puno kami ng inspirasyon kapag gumagawa.”

Dagdag pa niya, “Talagang hindi lang kami basta makagawa ng show o pelikula.

“Talagang gusto naming matapos yung show o pelikula na maganda, satisfied kaming dalawa sa ginawa namin, at wala kaming pinagsisisihan.

“And number one, ino-offer talaga namin siya para sa fans or sa supporters o sa lahat ng nanonood ng mga pelikula namin.

“Hindi lang siya para kumita or anything kundi para sa kanila, quality talaga ang ibinibigay namin.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

SUPPORTIVE FANS. Samantala, ipinaliwanag naman nina Kathryn at Daniel ang minsang pagiging protective ng kanilang fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Daniel, “Ang pagiging protective nila at saka yung grabehang suporta nila...

“Itong mga 'to, araw-araw makikita mo sa taping, kulang na lang bayaran na rin sila. Araw-araw talaga nandoon sila.

“Siyempre yung protekta, malaking bagay din 'yan sa amin.

“Siyempre, alam nila yung mga bagay na bawal ang ganyan, bawal ang ganito.

"Kapag may mga picture, pinipigilan nila o kung may issue, pinapatay nila.

“Malaking bagay din talaga sa amin at saka maganda na alam din nila yun.”

Nagpapasalamat din si Kathryn dahil nandiyan ang mga ina nila ni Daniel, sina Min Bernardo at Karla Estrada, na madalas ding gumagabay sa KathNiel fans.

Sabi ng aktres, “Sila mismo may personal relationship po with the fans.

“So, sila yung parang pinakananay ng mga 'to.

"Siyempre, puwedeng yung pagiging protective nila, nanggagaling sa kung mahal mo yung tao, dapat mong protektahan.”

Diin pa ni Kathryn sa huli, “Dapat intindihin din natin kung saan sila nanggagaling.

“Pero basta tayo, walang naapakang ibang tao.

“Basta nandiyan lang sila to protect us, walang problema dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN