Ruru Madrid clarifies love team with Gabbi Garcia has not been dissolved

IMAGE Noel Orsal

Will Ruru Madrid ever get used to doing serye without Gabbi Garcia as a partner? He admits, "Nakakapanibago rin po, kahit po sa YES! Most Beautiful, first time rin po namin na hindi kami love team."


Kasama si Ruru Madrid sa Book 2 ng GMA-7 primetime series na Alyas Robin Hood, pero hindi niya makakasama rito ang ka-love team na si Gabbi Garcia.
 
Pinaghihiwalay na ba sila ng Kapuso network bilang magka-love team?
 
“Hindi naman,” nakangiting tugon ni Ruru.

“Yun nga lang po, ang pagiging individual namin, tinuturuan lang kaming sumagot sa sarili namin.”
 
Pero aminado ang Kapuso young actor na naninibago siyang wala si Gabbi sa bago niyang proyekto.
 
“Nakakapanibago rin po, actually.

"Kahit po sa YES! Most Beautiful, first time din po namin na hindi kami love team.”
 
Pasok pareho sina Ruru at Gabbi sa kategoryang “Network Bets” ng 2017 YES! Most Beautiful Stars.
 
Ikatlong beses na raw niyang makasama sa annual list ng YES! 100 Most Beautiful Stars.

“Ang saya, suwerte ko!” bulalas ni Ruru nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand reveal ng 2017 YES! Most Beautiful Stars, na ginanap sa Luxent Hotel, kagabi, July 11.

IDOLIZING DINGDONG. Ayon kay Ruru, magsisimula na silang mag-taping para sa Alyas Robin Hood Book Two ngayong buwan.

Masaya raw siyang makatrabaho muli ang isa sa mga idolo niyang si Dingdong Dantes.

Aniya, “I’m sure marami akong matututunan sa kanya.

“Actually, Protégé pa lang, kasi siya yung host namin.”

Ikalawang pagkakataon na niyang makasama si Dingdong sa primetime.

Nauna na ang Encantadia, at natuwa raw siya na ang follow-up teleserye niya ay ang Alyas Robin Hood 2.
 
Sabi ni Ruru, “Kumbaga po, mula sa successful na Encantadia, tapos 'eto, another successful na show.”
 
Dito ay mapapasabak daw siya sa action.

“Ako rito si Marble Man. Ang gamit ko, slingshot and marble.”
 
Hindi pa raw masabi ni Ruru kung may kapareha siya sa ARH2 dahil sa storycon ay walang nabanggit tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN