Andrea Torres to leave Triple A amid issue with Marian Rivera?

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on persistent rumors about her rift with Marian Rivera: "Ako po, para sa akin, wala naman po talagang problema. Hoping ako na maging tapos na rin sa mga tao. Kasi ano, burden din sa kanila na meron silang kinaiinisan or inaaway na hindi naman kailangan, kasi wala naman talagang anything na dapat pag-awayan."


Tumangging magsalita si Andrea Torres tungkol sa balitang aalis na siya sa poder ng Triple A, ang talent management company na pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera.

Sinasabing ang dahilan ng pag-alis ni Andrea ay bunsod ng napabalitang engkuwentro sa pagitan nila ni Marian Rivera, isa sa prized talents ng Triple A.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa YES! 100 Most Beautiful event, na ginanap sa Luxent Hotel nitong Martes ng gabi, July 11, sinabi nitong wala pa siyang maisasagot tungkol sa isyung ito.

Pero maku-contact daw siya sa pamamagitan ng handler niya sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Masasabi bang okay na talaga sila ni Marian, at wala na silang isyu o problema sa kanila?

Pahayag ni Andrea, “Ako po, para sa akin, wala naman po talagang problema.

“Hoping ako na maging tapos na rin sa mga tao.

“Kasi ano, burden din sa kanila na meron silang kinaiinisan or inaaway na hindi naman kailangan, kasi wala naman talagang anything na dapat pag-awayan.”

Hindi itinanggi ni Andrea na apektado siya sa naging isyu nila noon ni Marian dahil pinutakti siya ng bashers.

Saad niya, “Naapektuhan din po talaga ako, kasi siyempre, ano yun, e...

"Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na ate ate ko si Ate Yan, tapos kuya rin ang tingin ko kay Kuya Dong.

“So, parang hindi lang maganda pag pinagsasabong kami nang ganun, kasi may respetuhan naman kaming lahat.”

Si Dingdong Dantes ang mister ni Marian at lead star ng GMA-7 primetime series Alyas Robin Hood, kung saan nakapareha ng aktor si Andrea.


Stories We Are Tracking

Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian, Andrea exchange messages on IG amid snubbing report
Marian, Andrea exchange messages on IG amid snubbing report
Andrea Torres evasive about alleged rift with Marian Rivera
Andrea Torres evasive about alleged rift with Marian Rivera
Marian Rivera wants issue with Andrea Torres to stop
Marian Rivera wants issue with Andrea Torres to stop

ALYAS ROBIN HOOD BOOK TWO. Ayon pa kay Andrea, mas naka-focus siya ngayon sa pagsisimula ng Book Two ng Alyas Robin Hood.

“Nag-prepare ako sa part two dahil sinabi nga sa akin na babalik si Venus," pagtukoy niya sa kanyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya inayos ko yung Muay Thai ko, boxing, para sa mga action scenes.

“At panay po ang panonood ko ng mga dating episode para hindi ko siya makalimutan.”

Magiging maingat na ba siya ngayon sa taping ng Alyas Robin Hood dahil naintriga sila noon ni Dingdong at nasangkot pa si Marian?

Sabi ni Andrea, “Ever since naman po, alam ko kung saan ako lulugar.

“Continue ko lang yung ganun, kasi wala naman akong narinig na puna sa mga boss ko o sa mga tao sa set.”

Makakaramdam ba siya ng pagkailang kapag magkasama sila uli ni Dingdong sa set?

Tugon ng Kapuso actress, “Ako, naniniwala naman ako na professional naman tayo pagdating sa work.

"So, feeling ko, same din naman.

“Kahit naman nung first, si Kuya Dong, hindi naman niya hinahayaan na maapektuhan ng isyu or bashers yung mga kailangan naming gawin for the show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN