Jak Roberto shuts down nose job rumors

IMAGE Noel Orsal

Tinawanan lamang ni Jak Roberto ang mga tsismis tungkol sa kanya, lalo na ang diumano'y pagpapaayos niya ng ilong. 


Kasabay ng unti-unting pagsikat ni Jak Roberto ay ang mga isyung ibinabato sa kanya.

Kabilang dito ang pagkinis daw ng kanyang balat at diumano’y pagpaparetoke niya ng ilong.

Upang patunayang malaki ang pagbabago sa hitsura ni Jak, may ilang netizens pa ang nag-post sa Facebook ng mga lumang larawan ni Jak at ng kanyang nakababatang kapatid at kapwa-Kapuso star na si Sanya Lopez.

Ngunit ipinagkibit-balikat lamang ito ng Kapuso hunk nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand reveal ng 2017 YES! Most Beautiful Stars, na ginanap kagabi, July 11, sa Luxent Hotel.

Natatawang sabi ni Jak, “Oo nga, e. Ang dalas kasi sinasabi nila, e, ang laki kasi [ng pagbabago].

“Pinagdidikit pa nila [picture noon at ngayon].

"Actually, noon ang payat ko noon, tsaka ang itim.

“Dati talaga, crooked teeth pa ako, so nagpa-brace.

"And siguro, naligo lang nang madalas para pumuti naman, di ba, since kailangan naman natin maging good-looking sa camera.”

Inusisa rin namin siya sa isyung nagparetoke umano siya ng ilong.

Pero ayon sa tinaguriang "Abs ng Bayan," wala itong katotohanan.

“Naku, sana nga, ‘no. Actually, sa ngayon, ang dami nang enhancements, e.

"Pero if ever, why not? Kasi feeling ko nga, medyo bilugan, e.”

Samantala, pagkatapos ng matagumpay na takbo ng Meant To Be, may kasunod na raw proyekto si Jak sa GMA Network, kung saan posibleng makasama niya muli sina Kebn Chan, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

Pero ayaw pa niyang magbigay ng anumang detalye tungkol dito. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN