Newbie Gil Cuerva makes the cut in this year's YES! Most Beautiful Stars

IMAGE Noel Orsal

Gil Cuerva is a showbiz newbie enjoying a lucky streak. Only six months in showbiz and he is already starring in a teleserye opposite one of GMA 7's most sought-after leading ladies. And he makes it on the list of YES! Most Beautiful Stars. But those are just toppings to him. "Ang sentro ng pagiging artista ko, it's all about the craft," he says.


Wala pang isang taon sa showbiz, pero nakabilang na ang bagong Kapuso star na si Gil Cuerva sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars of 2017.

“Sometimes you’re just blessed,” nakangiti niyang reaksiyon.

“Siyempre po, isang karangalan na mapasama sa YES! Magazine 100 Most Beautiful faces.

“I haven’t experienced something like this, kaya sobrang grateful ako na na-include ako rito.

“And I’m very thankful to YES! for including me on the list.”
 
Unang acting project ni Gil ang GMA-7 primetime series na My Love From The Star, kung saan katambal niya ang award-winning actress na si Jennylyn Mercado.

At sa ginanap na grand reveal ng YES! 100 Most Beautiful Stars, sa Luxent Hotel, kagabi, July 11, kapansin-pansin ang positibong pagtanggap sa kanya ng mga taga-media at fans.
 
Marami ang nagpa-picture at nag-interview sa kanya.
 
Halatang nahihiya naman si Gil sa mga papuri sa kanya.
 
Aniya, “I guess, it’s a testament or dun sa work, sa output namin.

“Hindi lang sa akin, ha, definitely I can’t take credit for it.

“Most of the credit goes to Direk Joyce [Bernal] and Jennylyn, sila yung nagdadala ng teleserye.
 
“Although lead role din naman ako, but it’s clear na dapat sila ang maka-get ng credit.

“And, I think, nakilala ako dahil maganda talaga ang show.”

CONGRATS TO KATHNIEL. Nagkataon namang ang mga bida ng katapat nilang teleserye na La Luna Sangre, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang cover at itinanghal na 2017 Most Beautiful Stars ng YES!
 
Ano ang masasabi ni Gil sa pagtatapat ng My Love From The Star at La Luna Sangre?
 
Pahayag ng baguhang aktor, “Kasi ang KathNiel, isa yata sila sa pinaka-famous na love team. 

“Ang lakas ng following nila, ang lakas ng clout nila, naturally magiging successful ang show nila.
 
“That’s the testament sa quality ng work na mapu-produce nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They’ve been very successful and congrats to them, kasi ang daming nagsasabi na competition."
 
Patuloy ni Gil, “Ako kasi, hindi ganun ang tingin ko sa show nila. It’s more on yung work ko. 

“Ayokong magkaroon ng reputasyon na pangit akong umarte.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN