Gil Cuerva names three married Kapuso actresses as his showbiz crushes

IMAGE Noel Orsal

Gil Cuerva says he is story maker, and this is the reason he wants to become a film director. "Gusto kong gumawa ng mga story. Pero kung actor ka, ikaw ang nagkukuwento."


Malapit nang matapos ang My Love From the Star, ang unang teleserye ng baguhang aktor na si Gil Cuerva sa GMA Network.

Kumusta sila ng leading lady niyang si Jennylyn Mercado?

Ayon kay Gil, “Okey naman, I guess, I’m just thankful because she really allowed me to be myself around her.

“That’s all I can ask for being a new actor.

“Isa yun sa biggest thing na puwede mong ma-receive coming from a veteran actress.”
 
Maaaliw kaya si Jennylyn na “veteran” ang tingin ni Gil sa kanya?

Paliwanag naman niya agad, “Veteran po, kasi marami na rin pong award si Jennylyn.”
 
Gusto ba niyang si Jennylyn pa rin ang makasama sa susunod niyang proyekto?
 
“Okey naman… baka busy siya after the show, may mga movies siya,” sagot ni Gil.
 
May iba bang Kapuso stars na gusto niyang makapareha?
 
Sabi ni Gil, “Kahit na sino, kung may ibibigay na script po siguro sa akin, I can envision kung sino ang gusto kong maging leading lady.
 
“Kung wala, parang mahirap, e, kasi ang daming magaganda sa showbiz.”
 
And tatlong Kapuso actress na puwede raw niyang piliin ay sina Heart Evangelista, Marian Rivera, at Solenn Heussaff. 
 
Bakit puro may mga asawa ang pinili niya?

Natawang sabi ni Gil, “E, yun ang mga crush ko sa showbiz, e.

"Kasi, growing up, sila yung mga nakikita ko sa TV."
 
Alam ba niyang may ilang Kapuso stars din ang umaming crush siya, tulad nina Glaiza de Castro at Thea Tolentino na crush siya.
 
“Sinabi nila yun?” nakangiti at hindi makapaniwalang sagot ng newbie actor.
 
Reaksiyon niya, “Siyempre, kapag crush ka ng mga girls—thank you.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gil sa grand reveal ng YES! 100 Most Beautiful Stars of 2017, na ginanap sa Luxent Hotel, Martes, July 11.

STORY MAKER. May plano na ba kung ano ang susunod na gagawin ni Gil pagkatapos ng My Love from the Star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Depende po ‘yan sa management… ang gusto ko after the project, more workshops muna. 

“I know for a fact yung vision ko, sakto rin sa vision nila para sa akin. 

“For sure, magkakaroon din naman.”

Gusto raw ni Gil na makagawa ng pelikula bilang direktor.

Bakit iba ang career path na gusto niyang tahakin sa showbiz?

Paliwanag ng baguhang aktor, “Ako po, I’ve been very straightforward sa management ko.

“Itong teleserye, leading man ka, it’s a good platform para mag-enter sa showbiz.
 
“Pero for me, yung vision ko is pasukin ang film.

“I can’t say na magiging director ako, I can’t predict the future.

“For all we know, hindi ako magiging director, but it’s something that interests me. 

“Kasi ako, I’m a story maker, gusto kong gumawa ng mga story.

“Pero kung actor ka, ikaw ang nagkukuwento.

“The reason I want to enter film is I feel it’s a bigger story in a more flexible story.

“And more versatile, although ang teleserye, mas kumikita ka run.”

Natatawa niyang dagdag, “Siyempre, kailangan nating maghanap-buhay!” 
 
Open din daw si Gil na gumawa ng indie films. Open din ba naman siyang maghubad?
 
Ayon kay Gil, magpapaganda muna siya ng katawan.

“Para eye candy… konti pa po, mga 10 pounds pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN