Andrea Torres insists Sef Cadayona never was her boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres finds it amusing to be asked if she has moved on, claiming she was never in a relationship with Sef Cadayona. "Never kong in-acknowledge na nagkaroon kami, stick ako dun. Papanindigan ko… Wala namang dapat pag-move on pa," she says.


Nagkasama ang rumored ex-couple na sina Andrea Torres at Sef Cadayona sa taping ng Kapuso gag show na Bubble Gang noong Lunes, July 10.

Ang tanong: Magkaibigan na ba ang dalawa?
 
Ayon kay Andrea, “Hindi ko naman po masasabing friends, magkasama po kami sa work.

“Pagdating naman sa work, professional naman lahat.

“Pero hindi kami friends, as in lumalabas or nagkukuwentuhan.”

Ngunit itinanggi ni Andrea ang sinabi ni Sef sa isang panayam na nagkausap at may closure na sa pagitan nila.
 
Sabi ng Kapuso actress, “Hindi po kami nagkausap for a really, really long time.”  

Wala pa silang closure?
 
Diin ni Andrea, “Ako naman po kasi, never kong in-acknowledge na nagkaroon kami... stick ako dun.”

Taliwas ito sa sinabi ni Sef.
 
So, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw anuman ang namagitan sa kanila?
 
Reaksiyon ni Andrea, “Ako naman po kasi, ayokong sagutin kung ano ang mga sinabi niya tungkol sa isyu.

“Basta ako po, papanindigan ko kung ano ang mga sinabi ko dati.”
 
Dagdag niya, “Happy po ako sa lahat ng nangyayari.”
 
Naka-move on na ba siya?
 
“Wala namang dapat pag-move on pa!” natawang sagot ni Andrea. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa launch ng YES! Most Beautiful Stars of 2017nitong Martes, July 11, sa Luxent Hotel.


Stories We Are Tracking

Did Sef Cadayona confirm split with Andrea Torres?
Did Sef Cadayona confirm split with Andrea Torres?
Sef Cadayona clarifies rumored breakup with Andrea Torres
Sef Cadayona clarifies rumored breakup with Andrea Torres
Sef Cadayona posts cryptic message about
Sef Cadayona posts cryptic message about "false rumors"
Sef Cadayona breaks silence on breakup with Andrea Torres
Sef Cadayona breaks silence on breakup with Andrea Torres

NON-STOP BASHING. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw tinatantanan ng bashers si Andrea.

Nagsimula ito nang gumanap ang Kapuso star bilang isa sa leading ladies ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood, at nagkaroon ng isyu sa kanila ng misis ng aktor na si Marian Rivera.

Pero parehong pinabulaanan nina Andrea at Marian na may isyu sa pagitan nila.

Ngayong kasama ulit si Andrea sa Book 2 ng Alyas Robin Hood, umaasa pa ba siyng  matitigil na ang pangba-bash sa kanya?
 
Aniya, “Hopefully po, yun din ang pinagpi-pray ko, sana… mahirap din, e. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mo naman ma-defend o mapaintindi ang sarili mo sa bawat isang tao.
 
“Kung puwede lang, ganun sana, kasi kahit dedmahin mo yung bashers, nahe-hurt ka rin talaga.
 
“May effect pa rin… kasi masyadong foul. Hindi mo na alam kung saan sila nanggagaling.”
 
May sinagot na raw siyang basher.

Kuwento ni Andrea, “Sunday nun... Sinabi ko, 'Sunday ngayon, mag-church ka na lang.'

“Pero hindi ko naman inaway, hindi naman po nag-reply, mga ganun lang po. 

“Minsan po kasi, off na talaga.

"Pinagpi-pray ko na lang na maayos."

Hindi rin daw ito dahilan para hindi umurong siya sa Alyas Robin Hood 2.
 
Sabi ni Andrea, “Ang daming gustong magka-project… never namang pumasok sa isip ko na ayoko.
 
“More on ano lang... hindi ko lang maintindihan, bakit? 

“Alam ko naman kung paano ako sa set, alam ko naman, nakikita rin nila.

“Sabi nga nila, okey naman daw.”
  
Sa isang linggo na raw ang simula ng taping nila para sa Alyas Robin Hood 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN