Barbie Forteza shocked by mom's negative posts about Ken Chan

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza on her mom's Instagram posts against Ken Chan: "Nagulat lang ako na pinublicized, ibinulgar niya sa lahat! Pero hindi naman para sa akin na kausapin ko siya. Matanda na ang nanay ko. Kung mali man yun, hahayaan ko siya na siya ang maka-realize nun."


Nahaluan ng kontrobersiya ang pagtatapos ng Kapuso primetime series na Meant To Be.

Ito ay dahil tila marami ang nadismaya sa naging desisyon ng karakter ng bidang si Barbie Forteza, bilang Billie, kung sino sa apat na manliligaw niya sa teleserye ang kanyang pipiliin.

Sa huli, ang pinili niya ay si Ken Chan bilang Yuan.

Maging ang ina ni Barbie na si Amy Forteza ay nasangkot sa intriga dahil sa Instagram posts nitong tila hindi rin pabor sa pagwawakas ng teleserye ng anak.

Ang tatlo pang leading men ni Barbie sa Meant To Be ay sina Jak Roberto bilang Andoy, Addy Raj bilang Jai, at Ivan Dorschner bilang Ethan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa YES! 100 Most Beautiful Stars launch noong July 11, inusisa namin siya tungkol sa saloobin ng kanyang ina.

Pahayag ng 19-year-old Kapuso actress, “Wala naman, normal naman ni Mama yun.”

Natatawa pang sabi ni Barbie, “Nagulat lang ako na pinublicized, ibinulgar niya sa lahat!

“Pero hindi naman para sa akin na kausapin ko siya. Matanda na ang nanay ko.

“Kung mali man yun, hahayaan ko siya na siya ang maka-realize nun.

“Katulad ng advice niya sa akin sa love life, kahit boto ako o hindi, hihintayin ko na ikaw ang maka-realize nun.

“Na, yun nga, later on na nalaman niyang mali, nag-deactivate siya ng IG [account].”

MOMMY AMY'S IG POSTS. Ano ang naging reaksiyon ni Barbie nang makita ang Instagram posts ng ina, na tila hinihikayat pa ang ibang i-boycott ang show ng anak?

“Dedma,” mabilis niyang sagot.

Hindi niya ito kinausap at tinanong kung bakit, lalo na’t mainit ang fans ng apat na love teams niya sa Meant To Be?

Ayon kay Barbie, “Alam naman niya na, bilang anak, alam naman niya na ayaw ko nun.

“Hindi naman na ako para i-blur out pa na ayaw ko nun. Kasi, magsisimula pa ng away naming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong mag-away kaming dalawa.

“Trabaho yun, e. Hindi naman namin personal na problema yun.”

Dagdag pa niya, “Siguro nakalimutan niyang artista ang anak niya.

“Siguro ano lang, concern siya sa akin bilang ina sa anak, pero hindi sa artistang anak.”

Paano na-realize ni Mommy Amy na naging negatibo ang dating ng IG posts niya?

“May mga nag-comment, yun,” pakli ni Barbie.

Pinag-usapan nilang mag-ina ang nangyari?

“Hindi, nagtanong lang siya sa akin kung paano mag-deactivate ng account bilang hindi siya marunong.

“Sabi ko, ganito, ganyan, yun.”

KEN CHAN. Kung pagbabasehan ang comments ng fans at netizens, galit o hindi raw gusto ng ina ni Barbie si Ken.

Kumusta ba si Mommy Amy at si Ken?

Ayon kay Barbie, “Okey naman sila… matagal ko nang kaibigan si Ken.

“Siguro affected lang si Mama, kasi ever since nag-start ang Meant to Be, ang talagang nangba-bash lang kay Mama, fans ni Ken.

“So, siguro kaya ganun... ‘Bakit ako? Bakit ako ang bina-bash niyo, e, TV show lang naman ‘yan?

“'Hindi naman ‘yan personal at magkaibigan naman si Barbie at si Ken. Bakit kailangan niyo akong i-bash? Na below-the-belt na?'”

Dugtong pa ng aktres, “Siguro yun lang, fans ni Ken. Pero hindi Ken directly.”

Sila raw ni Ken ay walang problema sa isa’t isa.

Sa katunayan, magkasama silang nag-guest kamakailan sa Celebrity Bluff. 

Nag-overnight din daw sila kasama ang dating cast ng Tween Hearts.

Diin pa ni Barbie, “Kasi mababaw yun, hindi naman siya kailangang seryosohin.”

May pelikula silang pagtatambalan ni Ken sa Regal Films. Sa nangyaring isyu, hindi kaya ito makaapekto?

“Hindi naman,” sambit ni Barbie. “Nag-revise lang ng script kaya na-delay.”

Pero dahil sa naging isyu at pagiging sobrang “passionate” ng fans, napatunayan daw ni Barbie na talagang nag-click ang primetime series nila.

“Doon ko napatunayan na click na click ang Meant To Be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang isang show, hindi naman ‘yan puro good feedback.

“Kapag may nangba-bash, ibig sabihin pinapanood, sinisiraan, pinag-uusapan.

“Ibig sabihin, successful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN