Bianca Umali and Miguel Tanfelix will not allow breakup of BiGuel loveteam

IMAGE Noel Orsal

Miguel Tanfelix on being included in YES! 100 Most Beautiful: "It's a big thing na mapasama ka for three consecutive years po. And yung 100, akala ninyo malaking number yun, pero maliit lang po 'yan. Kumbaga, napakaraming artista sa Pilipinas, kaya it's an honor mapasama sa 100 na yun."


Sa puntong ito ng kanilang career ay hindi raw papayag sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na buwagin o paghiwalayin ang kanilang love team, ang BiGuel.

Kung magkakaroon ng proyekto na hindi sila ang magkasama, ano ang mararamdaman nila?

Sagot ni Bianca, “Sasama po yung loob ko.

“Pero since… kung ano naman po ang ibigay sa akin [ng GMA], gagawin ko, e.

“Pero kung desisyon ko po yung susundin, hindi ko po hahayaang mahiwalay kay Miguel.”

Ayon naman kay Miguel, “Para sa akin, kung desisyon talaga ng network, wala po kaming magagawa dun kahit gusto po namin.

“Pero magiging happy ako kay Bianca, kung makakatulong iyon sa career niya. Di ba?

“Pero we guarantee it na hindi po mangyayari yun.

“So, sa ngayon, wala pa pong mangyayaring ganun dahil desisyon namin na huwag muna.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Bianca at Migul sa YES! 100 Most Beautiful Stars of 2017 launch, na ginanap sa Luxent Hotel, Martes ng gabi, July 11.

MOST BEAUTIFUL STARS. Kasama ang young Kapuso couple sa “Smash Teamups” category.

Pangatlong taon na nilang nakakasama sa annual list na ito ng YES!

Ano ang pakiramdam?

Ayon kay Bianca, “Siyempre po very thankful and very honored.

“Hindi lang po ako, pero pati na rin po si Miguel, kasi hindi naman po lahat ng mga tao ay nabibigyan ng opportunity na makasama sa list ng 100 Most Beautiful.

“And ako pa po, for the third time in a row, kasama po ako, so very thankful.

“And sana po, magtuluy-tuloy.”

Sabi naman ni Miguel, “Happy po kami and thankful kami sa YES! magazine dahil pang-third time na po, dahil it’s a big thing na mapasama ka for three consecutive years po.

“And yung 100, akala ninyo malaking number yun, pero maliit lang po ‘yan.

“Kumbaga, napakaraming artista sa Pilipinas, kaya it’s an honor mapasama sa 100 na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHEN THEY ARE READY. Natanong naman ang dalawa kung may relasyon na ba sila sa tunay na buhay.

“Pag ready na po si Miguel!” bulalas ni Bianca.

Ganting sagot naman ni Miguel, “Pag ready na po si Bianca.”

Kung sakaling handa na si Miguel, ready na rin ba si Bianca na pumasok sa isang relasyon?

Sagot ng dalaga, “Pag handa na po si Lord!

“Siya naman po ang magsasabi kung go na or huwag muna.”

Eighteen na si Bianca sa March 2018. Iyon na ba ang hudyat para masabing puwede na silang magkaroon ng relasyon ni Miguel?

“Hindi ko po alam,” pakli niya.

Ayon naman kay Miguel, “Pag ready na ang lahat! I mean, pag tama na po ang lahat.”

Paano niya masasabing ready o tama na o handa na ang lahat?

Paliwanag ng young actor, “Pag handa na ang lahat; handa na ako, handa na siya, handa na yung career namin, yung pag-aaral namin handa na, yung family namin kung handa na.

“Kasi, di ba, minsan yung mga mommy, nagseselos pa ‘yan, pag ganyan?

“Tsaka hihingi pa ako ng pahintulot sa parents niya.”

Sino ba ang unang dapat maging handa—ang babae o ang lalaki?

Sagot ni Miguel, “Siyempre yung lalaki. “

Sagot naman ni Bianca, “Yung babae.”

Giit ni Miguel, “Yung lalaki, kasi dapat yung lalaki yung unang maging ready.

“Kasi, di ba, parang siya yung magli-lead sa babae?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN