Sharon Cuneta dismisses rumored marital woes with Sen. Kiko Pangilinan

IMAGE Mark Atienza

Sharon Cuneta assures fans that everything is fine between her and husband Sen. Francis "Kiko" Pangilinan. She said with a laugh, "Well, kanina, he was at home, so we're still together! And he was lying down sleeping, I guess we're still married!"


Ayon sa Megastar na si Sharon Cuneta, maayos ang pagsasama nila ng kanyang asawang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Ito ay matapos maging kontrobersiyal ang kanyang magkakasunod na Facebook posts noong May 2017, kung saan marami ang nagdudang may pinagdadaanan ang relasyon nilang mag-asawa.

Paglilinaw ng actress-singer, "Well, everybody has problems. Every marriage has problems.

"We've been married 21 years, and I don't know actually where the idea of that came from."

Marahil daw ay kinonekta ng mga nagbabasa ng kanyang posts ang isang rant niya tungkol sa isang pinagkakatiwalaang empleyado na nanloko sa kanila.

Ayon kay Sharon, "Siguro nag-rant ako isang beses sa Facebook, and I was ranting about things na nangyari sa buong lifetime ko.

"Kasi naloko na naman kami ng pamilya ko ng someone we trusted, an employee. Ilang beses na 'yan.

"So, parang pati lahat ng personal, lahat ng naalala ko na hindi ko na lang nine-name, ganun.

"And everybody knows I always despise politics, so that became a part of it.

"But that doesn't mean I despise my husband."

Patuloy niya, "We've been together 21 years.

"I've been supporting him since 2001 sa political career niya.

"You never know what will happen, you know, but you always try your best, you always give your best."

Tinanong muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon kung kumusta ang pagsasama nilang mag-asawa.

Natatawa niyang sagot, "Well, kanina, he was at home, so we're still together!

"And he was lying down sleeping... I guess we're still married!"

Nakausap ng PEP si Sharon sa press conference ng Cinemalaya 2017, na ginanap sa Cultural Center of the Philippines ngayong Huwebes, Hulyo 13.

Si Sharon ang bida sa Cinemalaya entry na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, na idinirek ni Mes de Guzman.

Ang Megastar rin ang tumatayo bilang isa sa producers ng pelikula.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta clarifies financial status
Sharon Cuneta clarifies financial status

Umugong ang balitang may problema sa pagsasama nina Sharon at Kiko nang mag-post si Sharon ng litrato ng kanyang apat na anak na sina KC, Frankie, Miel, at Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad sa caption niya, "only four people in the whole wide world I would give my life for."

Binigyang-linaw naman ito ni Sharon sa sit-down interview niya sa Tonight With Boy Abunda noong June 2.

Natatawa niyang paliwanag, "Kasi, ipinanganak ko yun, e, at saka yung isa inampon ko at sumumpa akong maging nanay niya.

"Hindi ko naman ipinagbuntis si Kiko!"


Stories We Are Tracking

Sharon admits marriage with Kiko is not perfect
Sharon admits marriage with Kiko is not perfect
Netizens ask: Is Sharon and Kiko's marriage on the rocks?
Netizens ask: Is Sharon and Kiko's marriage on the rocks?
Kiko Pangilinan posts message of support for Sharon Cuneta
Kiko Pangilinan posts message of support for Sharon Cuneta
Sharon Cuneta reveals real reason why she left for U.S.
Sharon Cuneta reveals real reason why she left for U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN