Kim Domingo not afraid of working with Marian Rivera

IMAGE Noel Orsal

"Totoong tao" ang paglalarawan ni Kim Domingo kay Marian Rivera. Magkakasama ang dalawa sa upcoming primetime series ng Kapuso network na The Good Daughter.


Hindi raw natatakot si Kim Domingo kay Marian Rivera, co-star niya sa upcoming GMA primetime series na The Good Teacher.

Kahit may mga usap-usapan tungkol kay Marian at sa ilang co-stars nito noon, wala raw nararamdamang pagkabahala si Kim.

Aniya, “Ako kasi, ang nakikita ko sa kanya, sobrang totoong tao niya. Sobrang totoong tao.

"Tapos walang arte, deadma, parang ganun."

Hndi nga raw siya makapaniwala hanggang ngayon na personal choice siya ni Marian para maging kontrabida sa kanilang teleserye.

Sabi ni Kim, “Actually, parang maiiyak ako, that time, noong ano namin yun, e, storycon.

"Kasi in-acknowledge talaga niya ako sa harap ng maraming tao, na yun nga daw, na wala na siyang puwedeng ibang maisip na puwede niyang kapatid niya for this serye.

“So, sobrang ano ako... na-happy ako dun.

"At parang dream come true na rin para sa akin. Kasi si Ate, gusto ko na talagang makatrabaho talaga."

Next week na raw ang simula ng kanyang taping para sa The Good Teacher.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa grand reveal ng YES! 100 Most Beautiful Stars, sa Luxent Hotel, nitong nakaraang Martes, July 11.

STATE OF UNDRESS. Hindi rin maitago ang kaligayahan sa mukha ni Kim sa balitang maganda ang naging pagtanggap ng mga tao sa kanyang coffee-table book na Kim Domingo: State of Undress.

Sabi niya, “Oo, actually, ano, natuwa ako kasi ang daming pumila at nag-antay nung autograph signing ko.

“And meron pang lola, so hindi lang puro kalalakihan. Meron ding bumili na kakabaihan.

"So, nagulat talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN