Sharon Cuneta assures she's still financially stable: "I'm very far from being bankrupt, thank you."

IMAGE Mark Atienza

Sharon Cuneta on netizens putting different meaning to her posts: "Natatawa nga ako kasi talagang ang tao, talagang I am 51, 40 years na ako sa showbiz, hindi na ako nasanay, hindi na ako natutong yung meron akong sasabihin, dudugtungan nga pala nila!"


Binigyang-linaw ni Sharon Cuneta ang diumano'y problema niya sa pera.

Nag-ugat ang espekulasyong may problemang pinansiyal ang Megastar nang minsan niyang i-post sa Facebook ang mga katagang "the poorest, most cash-strapped billionaire."

Nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, nilinaw ni Sharon na ang naging problema ay tungkol sa isang negosasyong naudlot.

Saad niya, "No, the problems were actually the schedule of cash flow.

"I am actually a responsible investor, e.

"When I make loans, it's for investments. I don't have vices, e.

"I am a very, very responsible person in general, so I don't like to cause myself headaches or problems.

"Ang nangyari lang doon there was a conflict sa labas at pasok for a while, and it wasn't my fault.

"A contract fell through. Let's not anymore ano, ha. And it caused me a lot of headaches.

"Pero okay naman na ngayon. Kayang-kaya!"

Sinabi rin ng 51-year-old TV-movie personality na malayo siya sa bankruptcy.

"Natatawa nga ako kasi talagang ang tao, talagang I am 51, 40 years na ako sa showbiz, hindi na ako nasanay.

"Hindi na ako natutong yung meron akong sasabihin, dudugtungan nga pala nila!

"So, parang when you say you have problems in this ano, hindi mo naman ma-enumerate dahil hindi naman importante, some will assume, bankrupt na siya!"

Diin ni Sharon, "I'm very far from being bankrupt, thank you.

"Liquidity, I like liquidity, but it's consistently naman coming especially with all the work now.

"I am happy, I'm very happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN