Arci Muñoz slams netizen accusing her of having fake hips

IMAGE Instagram photo of Arci Muñoz

"Ang dapat mabawasan ay ang mga taong katulad mo dito sa mundo!! @meehappymama haduken!!!" Arci Muñoz responds to a netizen who said that she has fake hips.


Hindi pinalampas ni Arci Muñoz ang isang netizen na bumatikos sa bikini photo niya sa Instagram kagabi, July 12.

Makikita sa IG post ang larawan ng Kapamilya actress na nakahiga suot ang pulang bikini.

Ito ay kuha mula sa Amanpulo, Palawan.

FOCUS on your goals then work for it. Insert: @myslimdetox ????????

A post shared by Arci Munoz (@ramonathornes) on

Isang netizen na may username na @meehappymama ang nagsabing "fake" umano ang hips o balakang ni Arci.

Ang komentong ito ay nabura na sa post ni Arci.

Sagot ni Arci sa netizen: “Alam mo dati problema ko ang laki ng balakang ko!

“Kung pwede nga lang bawasan... pero hindi asset yan sabi ng nanay ko!

“Ang dapat mabawasan ay ang mga taong katulad mo dito sa mundo!! @meehappymama haduken!!!”


Hindi ito ang unang pagkakataong may pumuna sa pisikal na katangian ni Arci.

Madalas na ring napapansin ang umano'y pagbabago sa mukha ng aktres.

Diretso naman itong sinasagot ni Arci sa mga panayam sa kanya.

Sa huling panayam nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci tungkol sa isyung pagiging retokada umano niya, sabi niya, It's open naman, di ba? Personally, I'm not against it.

“It's my body. Whatever's gonna make me more comfortable and more confident sa aking sarili, I'll do it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN