Super Tekla answers gambling and drugs allegations

IMAGE Photo from 24 Oras / Facebook

Super Tekla to his bashers: "Suutin niyo muna yung sapatos ko para malaman niyo ang pinagdadaanan ko."


Sinagot isa-isa ni Super Tekla—Romeo Librada sa totoong buhay—ang mga isyu sa likod ng pagkakatanggal niya sa GMA-7 variety-game show ni Willie Revillame na Wowowin.

“Unang nakarating sa akin yung balitang ganun na, 'Magpapahinga ka muna,' sabi ko, ‘This is it.’

"Kasi, sabi ko kasi, lahat ng nagpapahinga, talagang natutulog, e, natutuluyan," may halong biro pang sabi ni Super Tekla sa eksklusibong panayam ng 24 Oras na umere ngayong Huwebes, July 13.

Ang pagkakaalis daw niya sa programa ay naging hudyat para baguhin ang kanyang sarili.

"Yung nangyari sa Wowowin... it’s wake-up call sa akin na dapat sigurong meron akong baguhin sa sarili ko."

ON ALLEGED GAMBLING AND DRUG USE. Kabilang sa sinasabing dahilan ng pagkawala ni Super Tekla sa Wowowin ay ang madalas umano niyang pagdating nang late, pagsusugal, at paggamit muli ng bawal na gamot.

Sinagot ng comedian ang mga akusasyong ito.

"Nagbi-bingo ako,” pag-amin niya.

“Pero I never thought na that it’s gambling.

"Kasi, di ba, sa mga fundraising, mayroon namang bingo?”

Tahasan naman nitong itinanggi na gumagamit siya ng illegal drugs.

Pahayag ni Super Tekla, “Ano ang reason ko, bakit pa ako babalik dun?

"Kasi, alam mo ba ang taong nagda-drugs or if you're intoxicated ng drugs, hindi ka makakapag-isip nang maayos?

"Pag once on drugs ka, lutang ka, e. Pinagdaanan ko na 'yon."

Naging emosyonal naman siya nang kunan ng mensahe para sa mga bumabatikos sa kanya sa social media.

Naluluhang sabi ni Super Tekla, “Suutin niyo muna yung sapatos ko para malaman niyo ang pinagdadaanan ko."

GRATEFUL TO WILLIE. Emosyunal din si Super Tekla nang hingan ng mensahe para kay Willie at sa show.

“Nami-miss ko yung Wowowin, of course, minahal ko 'yon, sobra...

"Kuya [Willie], never akong magtanim ng sama ng loob.

"Kasi yung ibinigay mo sa akin, though not financial, inaani ko na siya at aanihin at aanihin, kasi sabi ko nga, hindi na ako mahihirapang magsimula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiniyak naman ni Super Tekla na mananatili siyang Kapuso.

“Never... alam mo, ako yung tao na napakasimple... kumbaga, yung salitang utang na loob."

Si Super Tekla ay naging contestant sa “Wil of Fortune” segment ng Wowowin noong August 2016.

Pagkatapos nito ay kinuha siyang co-host ni Willie dahil nakitaan siya nito ng potensiyal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN