Alex Gonzaga fights "rude" Korean resto owner

IMAGE Noel Orsal

Hindi ikinatuwa ni Alex Gonzaga ang pambabastos sa kanila ng isang Korean restaurant owner. Kaya pinagsabihan daw niya itong huwag maging bastos sa mga customer, lalo na sa mga Pinoy sa sarili nilang bansa. 


Ibinahagi ng Kapamilya TV host-actress na si Alex Gonzaga ang naging karanasan niya sa isang Korean restaurant, kung saan sinigawan umano sila ng manager/owner nito.

Ayon sa ASAP host, kumain sila ng mga kaibigan niya sa isang Korean resto sa may Metrowalk, Pasig, noong July 6 ng gabi, Huwebes.

Masyado raw mataba ang beef belly na nai-serve sa kanila, kaya pinapalitan niya ito sa waiter.

Ngunit hindi raw ito nagustuhan ng owner/manager at sinigaw-sigawan sila nito.

Lahad ni Alex, “Ate in Ye Dang Metrowalk a while ago, I asked the waiter to change our beef belly order with less fat then the Korean manager/owner started attacking our table.

“She kept on shouting at us while explaining that they can’t do that. My friends and I also observed how rude they treat their servers.”

Hindi raw napigilan ni Alex ang kanyang sarili at tinawag niya ang atensiyon ng manager/owner.

Sinabihan daw niya itong huwag maging bastos sa kanilang mga customer.

“I called the Korean manager and told her she should not be rude to any customers especially when she’s in the Philippines coz we are all hospitable and caring to everyone here.

“It’s because of us that’s why they have their business and they are earning.”

Pinaalalahanan din ni Alex ang kanyang followers na huwag magpaapi sa mga banyaga, lalo na kapag nasa sarili nating bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN