Kristoffer Martin posts cryptic message about his "next option"

IMAGE Noel Orsal

Makahulugan ang mensahe ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa Twitter, kung saan nagbigay-pahiwatig siya sa susunod niyang hakbang pagdating sa kanyang showbiz career.


Nakaagaw-pansin ang makahulugang mensahe ng young actor na si Kristoffer Martin sa kanyang Twitter account noong Miyerkules ng gabi, July 12.

Sabi ni Kristoffer sa una niyang tweet, “Let’s see what will happen this year. Pag wala pa rin, next option na talaga.”

Dagdag niya, “Hindi sa nagmamadali pero sayang oras. Sayang panahon. Sayang talent.”

Wala mang direktang binanggit si Kristoffer, tila may kinalaman sa kanyang career ang magkasunod niyang tweets.

Ayon naman sa ilang mga nagkomento, lumipat na lamang siya ng ibang management.

Si Kristoffer ay nasa ilalim ng pangangalaga ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Pinayuhan din siya ng ibang maghintay, katulad na lamang ni Alden Richards na sumikat matapos ang ilang taong paghihintay sa GMA-7.

Ang huling pinagbidahang teleserye ni Kristoffer sa Kapuso network ay ang Hahamakin ang Lahat noong 2016.

Ngayong taon naman ay nagkaroon siya ng special appearance sa primetime series na Mulawin vs. Ravena.

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang mabigyang-linaw ang kanyang tweets. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN