Jonas Gaffud reveals why organizers like Philippines to host Miss Universe

IMAGE Screen grab from PEPtalk

Jonas Gaffed says there are plans for the country to host future Miss Universe pageant, "Gusto ng Miss Universe. Siyempre yung audience, number one."

 

 


Dahil siya ang kinikilalang beauty-queen maker at may malaking bahagi sa mga beauty pageants here and abroad, natanong si Jonas Gaffud tungkol sa balitang dito sa Pilipinas muling idaraos ang Miss Universe 2017.

“Ay! No comment daw muna ako sabi ng IMG,” umpisang pag-iwas ni Jonas, “Huwag muna daw akong magsalita.”

Ang WME/IMG o William Morris Endeavor-International Management Group ang kasalukuyang nagmamay-ari ng Miss Universe.

Nitong January ay dito sa ating bansa ginanap ang Miss Universe kung saan si Maxine Medina ang kinatawan ng Pilipinas at ang kinatawan ng France na si Iris Mittenaere ang tinanghal na Miss Universe 2016.

Pero may plano ba talaga na dito muling ganapin ang miss Universe?

“Oo,” tugon ng big boss ng Mercator Artist & Model Management.

Saan ba nanggaling ang suggestion na ulitin dito sa Pilipinas ang Miss Universe pageant?

“Gusto ng Miss Universe,” tugon ni Jonas.

“Siyempre yung audience, number one. I mean yung pagtanggap ng mga Pilipino."

Bukod pa rito, may value rin ang pagiging aktibo ng mga Pinoy sa socialo media.

Ani Jonas, “Siyempre, every day, trending sila sa social media.

“Number one yung warmth ng tao, yung reception.

“Number two, nag-enjoy sila dun sa event, na ang dami nilang napuntahang lugar.”

Ano na ang development ng pag-uusap?

“As of now, hanging pa rin siya until mapirmahan ang kontrata.

“Kung wala naman e di hindi. Parang last year, di ba?”

Ano ang probability na dito nga ito muling gawin?  

“Malaki pa rin! Siguro… dati seventy-thirty, ngayon fifty-fifty, hindi ko alam, e.

“Kasi, number one, may Marawi.”

GOD WILLING. Pero kung si Jonas raw ang tatanungin, okay lang na two years in a row ay dito idaos ang prestigious beauty pageant.

Kahit na raw sinasabi ng iba na baka mawalan na naman ng chance ang Pilipinas na manalo dahil ang iisipin ay hometown decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Bakit naman mawawalan ng chance?

“First time na ginawa na magkasunod na bansa, sa Puerto Rico, the first time na ginawa sa Puerto Rico nanalo sila!”

“Okay lang din naman kahit sa ibang bansa, pero maganda yung momentum na naumpisahan  na natin, di ba?”

Si Rachel Peters ang reigning Miss Universe Philippines.

Kung may isang tao na siyang deciding factor kung dito nga ang Miss Universe o hindi, sino iyon?

“Si God!” 

As of June 22, inanunsiyo na ng DOT o Department of Tourism na hindi sa bansa magaganap ang nasabing pageant dahil sa "financial constraints and schedule conflicts with the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit" na mangyayari naman sa November. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa launch nina Yheen at Yuki, ang bagong singing duo na artists ng Mercator, nitong Martes, July 4, sa Book and Borders Café sa Tomas Morato, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN