Jonas Gaffud surprised model Gil Cuerva is now an actor

IMAGE PEPtalk; Missosology.info

Jonas Gaffud (right) used to manage the modelling career of Gil Cuerva, who was still studying when he joined the former's Mercator Artist & Model Management


Ang Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud ang dating namamahala kay Gil Cuerva bago ito maging bida sa My Love From The Star ng GMA-7 opposite Jennylyn Mercado.

Paliwanag ni Jonas kung bakit nawala sa bakuran niya ang model turned actor, “Hindi ko masyadong kilala si Gil, e.

“Pumunta pa yung parents niya sa office, kinausap kami na huwag naming pag-artistahin.

“E, di hindi. Biglang nagulat na lang kami, nag-Cornerstone na siya.”

Wala naman raw kontrata sa kanila si Gil kaya hindi sumama ang loob ni Jonas dito.

“Hindi ko naman siya close, hindi ko nga siya nakakausap.”

Nag-aaral pa raw si Gil nung mga panahong modelo pa ito ng Mercator.

Hindi naman raw siya nagulat na nasa Cornerstone na ito at artista na.

“Noon pa, alam ko na.

“Nagulat lang ako kasi sinabi ng parents niya na hindi namin pag-aartistahin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa launch nina Yheen at Yuki, ang bagong singing duo na artists ng Mercator.

Ang self-titled album nina Yheen at Yuki ay naglalaman ng mga kantang “You’re Beautiful,” ang carrier single ng digital album, “Lucia,” “Laban Lang Ng Laban,” “Want It 2,” at “Ito ang Totoo.”

Ginanap ang launch ng album nitong Martes, July 4, sa Book and Borders Café sa Tomas Morato sa Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN