Why did Marlon Stockinger unfollow girlfriend Pia Wurtzbach on Instagram?

IMAGE Instagram @marlonstockinger

Marlon Stockinger on rumored breakup with girlfriend Pia Wurtzbach. "That's always the case. People just talk about that. That's just, I don't know, chismis."


Kapansin-pansin ang biglaang pag-unfollow ni Marlon Stockinger sa Instagram account ng girlfriend niyang si Pia Wurtzbach nitong linggo.

Pero isa pa rin sa Instagram followers ng Filipino-Swiss racer ang Miss Universe 2015 titlist.

Bunsod nito, naging tampulan ng espekulasyon sa social media kung hiwalay na ba ang magkasintahan.

Sa ulat ni MJ Felipe ng TV Patrol kagabi, Hulyo 13, pahayag ni Marlon, “That's always the case. People just talk about that. That's just, I don't know, chismis.”

Hindi direktang binigyang-linaw ng binata kung bakit at press time ay naka-unfollow pa rin siya kay Pia.

Ngunit giit niya tungkol sa kanila ni Pia, “We’re good, yeah, everything’s fine.”

BRAVING CONTROVERSIES TOGETHER. Sa parehong panayam, nabanggit ni Marlon na hindi naapektuhan ang relasyon nila ni Pia sa kinasangkutang kontrobersiya ng binata noong Marso.

Aniya, “I really appreciate her for that, she's been supportive and I just dealt with it privately with her.”

Wala mang direktang tinukoy si Marlon na isyu, naging usap-usapan noon ang rebelasyong may dalawang anak si Marlon sa ex-girlfriend niyang si Kit Barraquias.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na may petsang March 31, kinumpirma mismo ni Kit, isang 36-year-old model, na mayroon silang kambal na anak ng Filipino-Swiss racer.

Dito ay nabanggit din ni Kit na hindi pa kailanman nakikita ni Marlon ang kanilang dalawang anak, at wala rin daw siyang planong humingi ng child support mula rito. 


Stories We Are Tracking

Pia Wurtzbach reacts to rumor her BF has two kids
Pia Wurtzbach reacts to rumor her BF has two kids
Model confirms Marlon Stockinger is the father of her twins
Model confirms Marlon Stockinger is the father of her twins

Pero sa pagpapatuloy ng panayam ng TV Patrol kay Marlon, ang tanging nilinaw ng binata ay ang patuloy na matatag na samahan nila ng current girlfriend niyang si Pia.

Bahagi ng pahayag niya, “If you love someone, they love you back, it doesn’t change things.” 

Sa ngayon, nais daw nina Marlon at Pia na panatilihing pribado ang kanilang relasyon.

Dagdag ni Marlon, “We just realized, you know, what matters is the two of us in the end.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Marlon Stockinger spends birthday with Pia Wurtzbach
Marlon Stockinger spends birthday with Pia Wurtzbach


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN