Yassi Pressman defends James Reid, Nadine Lustre from intrigues

IMAGE Noel Orsal

Yassi Pressman explains that her friends, real-life couple James Reid and Nadine Lustre, are not affected by recent issues hounding them. "Wala naman po kasing katotohanan yun, kaya parang hindi naman po yata sila naapektuhan dahil di po talaga totoo," says Yassi.


Ipinagtanggol ni Yassi Pressman ang mga kaibigang sina James Reid at Nadine Lustre kaugnay ng mga isyung kinasasangkutan ng real-life sweethearts.

Una, may mga bumatikos sa naging pahayag ni Nadine nang matanong tungkol sa isyung nagli-live-in na raw sila ni James.

Hindi direktang sinagot ni Nadine ang tanong. Pero sinabi niyang “normal” na ngayon ang live-in at wala siyang nakikitang masama kung totoo man ito.   


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine shrugs off negative reaction to living-in comment
Nadine shrugs off negative reaction to living-in comment

Sabi naman ni Yassi tungkol dito, “Ako po kasi, personally, wala po talaga akong alam sa ganun pong mga detalye.

“Baka naman po may mga pagkakataon na nandun siya [sa bahay ni James], baka naman rin bumisita lang.

“Hindi ko po alam. Pero at the end of the day, we all have a choice. Parang ganun po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa press launch ng Silka Papaya soap, na ginanap sa Artsy Café, Quezon City, nitong Huwebes, July 13.

Kinunan din ng pahayag si Yassi tungkol sa hindi pagiging kumportable noong una ni Nadine na pag-usapan ang isyu ng live-in.

“Siguro po merong mga bagay na gustong manatiling personal na lang. Siguro po ganun,” sabi ng FPJ's Ang Probinsyano star.

Samantala, noong nakaraang buwan, binigyang-kulay naman ng iba ang sobrang closeness ni James at ng best friend ni Nadine na si Mika Tan.

Kumalat sa social media ang magkayakap na larawan ng dalawa, dahilan upang i-bash sina Mika at James.

Pero ayon kay Yassi, hindi apektado sina Nadine at James sa isyu dahil alam nilang hindi ito totoo.

“Hindi ko po alam yung mga ganyan. Hindi naman po kasi yun totoo.

"Wala naman po kasing katotohanan yun, kaya parang hindi naman po yata sila naapektuhan dahil di po talaga totoo.

“Tsaka alam naman po ng lahat na sila talaga,” pahayag niya tungkol sa relasyon nina Nadine at James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN