Kiray Celis hits back at bashers disgusted by her beach photos

IMAGE Instagram (@kiraycelis)

Kiray Celis to her bashers: "OH ETO! MORE PWET PA PARA SAINYO!"


Hindi nagpatinag ang aktres na si Kiray Celis matapos umani ng panlalait sa social media kaugnay ng Instagram photos niya, kasama ang modelong si Kirst Viray, na kuha sa isang beach sa Dumaguete.

Inalipusta ng ilang netizens si Kiray dahil sa pagsusuot nito ng maiksing shorts at kita ang kanyang kuyukot o ibabang bahagi ng kanyang puwet.

Tinawag ding "mahalay," "masagwa," at "bastos" ang boomerang video na ipinost niya sa Instagram, kung saan magkalapat ang katawan nila ni Kirst.

Maging si Kirst ay hindi nakalusot sa panlalait ng ilang netizens. 





Hindi naman pinalampas ni Kiray ang panlalait sa kanya ng ilang followers niya sa Instagram.

Nag-post siya ng isa pang larawan kung saan kita ang kanyang kuyukot.

Buwelta pa ni Kiray sa caption: “Nagpost ako na nasa beach. Tapos naka shorts ako pero kita kuyukot ko. Bakit daw kita pwet ko? ANO BA! Nasa beach nga diba? Naka shorts na nga ako! Paano papala kung nagpanty pa ako? OH ETO! MORE PWET PA PARA SAINYO!”

Sinagot din ng comedienne ang iba pang netizens na nanlalait sa kanya:





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN