John Lloyd Cruz admits timing is an issue between him and Sarah Geronimo

IMAGE Noel Orsal

Sarah Geronimo on John Lloyd Cruz, "Kami po ni Lloydie, base sa obserbasyon ko, iba yung koneksiyon namin. Basta kakaiba. Sabi nga niya, it's a gift. This chemistry is a gift para sa mga tao siguro, hindi lang para sa amin."


Nagkaroon ba ng special feelings si John Lloyd Cruz para kay Sarah Geronimo?

Ito ang naging tanong sa aktor sa press conference ng reunion movie nila ng singer-actress, ang Finally Found Someone, ngayong Biyernes, July 14.

Sa presscon proper ay nabanggit ni John Lloyd na hangga't mayroon silang nadarama, magpapatuloy silang gumawa ng pelikula para sa mga manonood.

Paliwanag pa ng Kapamilya actor, “Di ba, hangga't mayroon tayong maise-share, hangga't mayroon tayong mapapaligaya, mayroon tayong tamang motivation to do a film like this, bakit hindi?

“I mean, doon naman nagsimula lahat, kaya we try to keep it real, we try to keep it sincere sa ibinibigay namin.

"Hangga't nandoon, hangga't mayroon kaming nararamdaman, bakit hindi?"

Kaugnay nito, diretsahang tinanong ng columnist na si Allan Diones si John Lloyd: “Sa tatlong [pelikulang] pinagsamahan niyo, hanggang saan umabot ang nararamdaman mo para kay Sarah?”

Pabirong sagot naman ni John Lloyd, “Hanggang Mindanao Ave. Hindi umabot ng Congressional?”

Ikinatawa naman ito ng reporters dahil hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na nakatira si Sarah sa isang executive village malapit sa lugar na nabanggit ni John Lloyd.

Patuloy ng Home Sweetie Home actor, “Hindi, we had this little story about timing.

“Laging timing is not our friend really, 'no?

"Simula sa A Very Special Love, tapos You Changed My Life... Yeah, timing is an issue.”

Pagkatapos ay muli siyang tinanong ni Allan: “Up to now, nandoon pa rin ba ang espesyal na pagtangi mo kay Sarah?"

Sagot dito ni John Lloyd, “I wonder kung mawawala yun. Ano ba, life is short.”

Batid naman ni John Lloyd na may karelasyon ngayon si Sarah, si Matteo Guidicelli.

Kaya sabi niya, “Masayang-masaya ako para sa kanya.”

Hanggang saan umabot ang feelings ni John Lloyd para kay Sarah? #FinallyFoundSomeoneMediaCon

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

SARAH REACTS. Hindi naman binigyan ng ibang kulay ni Sarah ang sinabi ni John Lloyd tungkol sa kanya.

Sa halip, sabi ng The Voice Teens coach, “Kasi, kami po ni Lloydie, base sa obserbasyon ko, iba yung koneksiyon namin. Basta kakaiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga niya, it's a gift. This chemistry is a gift para sa mga tao siguro, hindi lang para sa amin.

“We are talagang blessed na binigyan kami ng ganitong tandem o connection na nakapagbibigay ng ganitong happiness.

“As in, nagugulat na lang ako dahil talagang napapasaya namin nang husto ang mga tao.

“I wonder kung bakit ganun.

"Kung anuman 'yon, thank you, Lord. And thank you sa mga naniniwala sa tandem namin hanggang ngayon.”

Nang tanungin kung ano ang epekto sa kanya ni John Lloyd, pabirong sagot ni Sarah, “Makita ko lang siya, natutuwa na ako.

“Iba din yung... just observing him from afar and by just looking at him, natutuwa na lang ako.”

Sarah Geronimo talks about special connection with John Lloyd Cruz. #FinallyFoundSomeoneMediaCon

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

HAPPINESS IS A CHOICE. Samantala, nilinaw ni Sarah na masaya siya sa estado ng personal relationship niya ngayon.

“For me, happiness is a choice.

“Life will never be perfect. Maraming troubles, marami tayong [humikbi]... sabay umiyak?

“Tayong mga tao, kahit sobra na tayong blessed, sobra na tayong privileged, kahit more than enough na yung ibinibigay sa atin, still, marami pa rin tayong hinahanap sa puso natin.

“Kaya ko nasabi po na happiness is a choice, kasi you have to count your blessings.

“Tingnan mo, ang mga mahal mo sa buhay, nandiyan, nakakasama mo.”

Patuloy pa niya, “Sinasabi ko nga kay Lloydie, life is too short.

"Parang naging mantra ko siya, na life is too short para hindi ka pa maging honest sa isang tao.

“Hindi mo alam kung kailan mawawala ang isa tao.

“Kumbaga, life is fleeting, di ba? Kapag kaharap mo na siya, make that person feel loved.”

Ganito raw ngayon ang love life ni Sarah.

“Hindi nga lang po perfect, siyempre, di ba, kasi tao din.”

Nang tanungin kung masasabi na ba niya ang katagang “finally found someone,” napangiti si Sarah at bahagyang nag-isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya kalaunan, “Siyempre, you only wish for the best and pray for the best. You can only do so much pero si Lord pa rin ang magte-take over at the end of the day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN