National Youth Commission condemns Noli de Castro's "climate change" joke about Jake Zyrus

IMAGE Facebook of Renzo Espiritu / Instagram of Jake Zyrus

"Offensive" diumano ang biro ni Noli de Castro na parang climate change lang ang transformation ni Jake Zyrus, ayon sa National Youth Commission. Kaya naman hinikayat nila ang batikang brodkaster na humingi ng paumanhin sa kanyang naging pahayag. 


Inalmahan ng National Youth Commission (NYC) ang ginawang biro ng batikang broadkaster na si Noli de Castro tungkol sa singer na si Jake Zyrus, na dating kilala bilang Charice

Sa ABS-CBN primetime news program na TV Patrol noong Lunes, July 10, ay nagkaroon ng news feature tungkol sa transformation ni Charice patungong Jake Zyrus.

Pagkatapos maipalabas ang report ay nagkomento si De Castro, isa sa mga anchor ng programa.

Aniya, "Ang tawag diyan ay climate change. Madami talagang nababago ngayon."

Kinondena naman ng pamunuan ng NYC ang birong ito ni Noli sa pamamagitan ng isang statement na inilabas ni Commissioner Perci Cendaña, chairperson ng Committee on Social Inclusion and Equity.

Ayon sa NYC, hindi lang si Jake Zyrus ang na-offend sa biro ng dating bise presidente, kundi pati na ang buong LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) community.

Pahayag ng NYC, "When a popular broadcaster and former Vice-President mocks a transgender man, he is not only offending LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) people, he is also setting a bad example to his audience specially to the youth.”

Hindi rin daw katawa-tawa ang usapin tungkol sa sexual orientation, gender identity and expression (SOGIE).

Dapat daw itong tratuhin nang may respeto at sensibilidad.

Hinikayat din nila si De Castro na humingi ng paumanhin sa publiko.

“By rectifying the offensive and discriminatory remarks, the former Vice-President will set a good example to his audience specially the youth. We urge him to be an ally for acceptance and equality.”

Humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag kay Noli de Castro sa pamamagitan ng kanyang anak na si Department of Tourism Undersecretary Kat de Castro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN