Patricia Tumulak on rumors linking her to Alden Richards: "Hindi ko siya type!"

IMAGE GMA Network / Twitter account of Alden Richards

In the July 15 episode of Eat Bulaga!, Patricia Tumulak gave a message to all bashers who claimed she and Alden Richards dated. "Hoy, tigilan niyo na ako. Hindi ko siya type. May boyfriend ako!"


Sinagot ng Eat Bulaga! host na si Patricia Tumulak ang mga bashers na nag-uugnay sa kanya sa co-host na si Alden Richards.

Ngayong tanghali, July 15, isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga hosts ng Eat Bulaga! para sa mga bashers nila.

Ngayong araw rin ipinagdiriwang ng longest-running noontime show ang anniversary ng AlDub, ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, na na-discover noong July 16, 2015. 

Hinila ni Allan K. si Patricia para bigyang-linaw ng dalaga ang mga sinasabi ng bashers na may namamagitan sa kanila ni Alden.

Natatawang sabi ni Patricia, "Hoy, tigilan niyo na ako. Hindi ko siya type. May boyfriend ako!"

Nagsigawan naman ang mga hosts at ang audience sa sinabi ni Patricia. May mga nagsabi pa ng "Boom!"

Samantala, nagbiro si Allan K ng, "Si Patring, hindi talaga mahilig sa Pinoy. Mahilig sa afam [foreigner]!"

Taong 2016 nang unang naiugnay si Patricia kay Alden. May mga nagsabi pang nakita raw na nag-dinner ang dalawa.

Pero una nang pinabulaanan ito ng dalaga sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 2016. Aniya, umiiwas na lang siya kay Alden para matigil ang paratang ng mga bashers.

Dinenay rin niya noon ang balitang nag-dinner silang dalawa ni Alden.


Stories We Are Tracking

Patricia Tumulak avoids Alden Richards to silence bashers
Patricia Tumulak avoids Alden Richards to silence bashers
Patricia Tumulak prefers non-showbiz, foreigner boyfriend
Patricia Tumulak prefers non-showbiz, foreigner boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN