Zsa Zsa Padilla remembers Dolphy on 5th death anniversary

IMAGE Instagram (@zsazsapadilla)

Zsa Zsa Padilla took to Instagram last July 10 to commemorate longtime partner Dolphy's 5th death anniversary: "Today marks the 5th year of Dolphy's passing. Although he lives in our hearts and minds, he is greatly missed. Please say a little prayer for him."


Limang taon na pala ang nakakaraan mula noong pumanaw ang nag-iisang King of Comedy ng Philippine showbiz industry na si Rodolfo Vera Quizon, o mas kilala bilang Dolphy.

Sumakabilang-buhay si Dolphy dahil sa sakit na chronic obstructive pulmonary disease (COPD) sa edad na 83 noong July 10, 2012.

Higit na 50 years ang itinagal ni Dolphy sa industriya, at dahil dito'y naging inspirasyon siya ng maraming henerasyon na mga komedyante sa TV at pelikula.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakapantay sa husay at galing ni Dolphy bilang isang komedyante.

REMEMBERING DOLPHY. Ang naging longtime partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla ay nag-post sa Instagram noong nakaraang July 10 para gunitain ang ika-5 death anniversary ng yumaong komedyante.

Dalawa ang naging anak ni Dolphy kay Zsa-Zsa: sina Nicole at Zia Quizon.

Matagal nang naka-move on si Zsa-Zsa at may relasyon ito ngayon sa architect na si Conrad Onglao.

Nagkahiwalay sila ni Onglao noong May 2016, pero nagkabalikan din sila pagkalipas ng limang buwan.

Nakatakda na rin silang magpakasal, bagamat wala pa silang ibinigay na petsa para dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN