Glaiza de Castro receives award from Valenzuela City

IMAGE Glaiza de Castro Facebook page

Kapuso actress Glaiza de Castro was honored by Valenzuela City for her contribution in the field of arts. She was feted the Gawad Dr. Pio Valenzuela award "Pagkilala sa Ambag sa Sining at Pagganap" during the city's 148th anniversary held recently at the Valenzuela Town Hall.


Hindi kataka-takang makasama sa listahan ng 100 Beautiful Stars ng YES! Magazine ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro dahil sa husay ng kanyang pagganap sa iba’t ibang roles sa TV at pelikula.

Huling napanood si Glaiza bilang si Pirena sa telefantasya ng GMA-7 na Encantadia.

Bukod sa YES! Magazine, pinarangalan din si Glaiza ng Lungsod ng Valenzuela ng Gawad Dr. Pio Valenzuela sa ika-148 anniversary ng naturang lungsod.

Sa kuwento ni Glaiza sa event ng YES! 100 Beautiful Stars noong nakaraang July 11 sa Luxent Hotel, kinilala raw ng Valenzuela City ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng sining.

Iginawad kay Glaiza sa ika-15 Gawad Dr. Pio Valenzuela ang parangal na “Pagkilala sa Ambag sa Sining ng Pagganap,” sa seremonya na isinagawa sa Valenzuela Town Hall.

ROLE MODEL. Ayon sa nakalathala sa mismong award na kanyang natanggap, pinarangalan si Glaiza para “sa ipinamalas na kahusayan sa kanyang larangan ay inspirasyon sa bawat mamamayang Valenzuelano.”

“Sobra akong natuwa kasi hindi ko akalain na one day, magiging inspirasyon tayo para sa iba.

“Batang Valenzuela ako. Simpleng tao lang po tayo roon.

“Doon na tayo lumaki at bumuo ng pangarap kasama ang pamilya ko.

“Kaya nakakatuwang isipin na makakatanggap ako ng gano’ng award.

“Parang ang laki ng expectations ngayon sa ‘yo ng marami, lalo na ang kabataan.

“Kaya ang misyon natin ngayon, bilang isang alagad ng sining, ay ang gumawa ng mga proyekto na makaka-inspire lalo na sa mga kabataan ngayon.

“Mapa-telebisyon, pelikula at musika, kailangan makunan nila ito ng inspiration,” pahayag pa ni Glaiza.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Glaiza sa natanggap niyang parangal.

Madalas kong gamitin ang salitang "suryal" dahil ganun naman talaga ang madalas na nangyayari sa akin. Isang malaking karangalan na mabigyan ng isang mataas na parangal at pagkilala sa larangan ng sining-biswal at pantanghalan ng lunsod kung saan ako isinilang at lumaki. Naghanda ako ng speech kanina sa sobrang nerbyos. Ito ang excerpt: Ngayong araw na ito, napagtanto ko na ang ibinigay sa ating mga parangal ay hindi para sa katanyagan, respeto ng ibang tao o anumang dahilan. Ito ay paalala na kahit paano, may nagawa tayong kabutihan hindi lang para sa ating mga sarili kundi para sa iba. At yun ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan kung bakit tayo nagpapatuloy. Ang makatulong sa anumang kaparaanan. Dahil ang totoong tagumpay ay hindi sinasarili at pinagtatalunan. Nagpapasalamat ako kabilang ang mga nandito ngayon, sa lahat ng bumubuo ng 15th Gawad Dr. Pio Valenzuela Committee sa pagbibigay halaga sa aming propesyon. Hindi lang ito karangalan kundi inspirasyon sa pagpapatuloy ng paggawa ng tama na sinimulan ng ating nakalipas na henerasyon. To God be the glory at mabuhay po tayong lahat. ???? @fatima_zarina

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Nilagay din ni Glaiza ang binigay niyang speech sa pagtanggap ng parangal sa kanya ng Lungsod ng Valenzuela.

“Ngayong araw na ito, napagtanto ko na ang ibinigay sa ating mga parangal ay hindi para sa katanyagan, respeto ng ibang tao o anumang dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ay paalala na kahit paano, may nagawa tayong kabutihan hindi lang para sa ating mga sarili kundi para sa iba. At yun ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan kung bakit tayo nagpapatuloy. Ang makatulong sa anumang kaparaanan.

“Dahil ang totoong tagumpay ay hindi sinasarili at pinagtatalunan. Nagpapasalamat ako kabilang ang mga nandito ngayon, sa lahat ng bumubuo ng 15th Gawad Dr. Pio Valenzuela Committee sa pagbibigay halaga sa aming propesyon.

“Hindi lang ito karangalan kundi inspirasyon sa pagpapatuloy ng paggawa ng tama na sinimulan ng ating nakalipas na henerasyon.

“To God be the glory at mabuhay po tayong lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN