Alden Richards and Maine Mendoza emotional over second anniversary as love team

IMAGE Screengrab from GMA

Alden Richards and Maine Mendoza became emotional during the July 15 episode of Eat Bulaga! where they celebrated their 2nd anniversary as a love team.


Kasabay ng pagdiwang ng second anniversary ng love team nina Alden Richards at Maine Mendoza ay nagpahatid sila ng pasasalamat para sa mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanila.

Sa episode ng Eat Bulaga! kaninang tanghali, July 15, nagkaroon ng tribute para sa AlDub love team kunsaan kinanta ang mga naging theme song nila sa Kalyeserye.

Pagkatapos ng song numbers ay hindi napigilang maging emosyonal nina Alden at Maine.

Sabi ni Alden, "Noong kinanta nila lahat ng AlDub hits, nag-flashback lahat sa akin yung two years.

"Malaking bagay yung at least na-refresh natin yung mga songs, sarap sa feeling and gusto po nating magpasalamat..."

Dito ay nagsimula nang mag-crack ang boses ni Alden at maluha.



Pagpapatuloy niya, "...sa AlDub Nation, sa lahat ng Dabarkads. Mula po sa unang pagkikita namin ni Maine, sa split screen hanggang ngayon na dalawang taon na po."

Maging si Maine ay hindi napigilang maiyak, lalo na nang maalala niya ang mga tulong na ibinigay nila sa mga nangangailangan, tulad ng AlDub library.

Saad ni Maine, "Salamat po at hindi lang para sa aming dalawa ni Alden ang suportang ibinibigay ninyo.

"Dahil din po sa inyo, naging posible po na makatulong tayo sa mga estudyante dahil nakapagbukas na tayo ng sampung AlDub library!"

Ipinarating naman ni Alden ang kanyang hiling na sana ay patuloy silang samahan ng AlDub Nation.

Pahayag niya, "Sana po mga Dabarkads at AlDub Nation, patuloy po tayong magsama sama."

Hindi rin lingid sa kaalaman ng dalawa na may mga bashers din sila sa social media.

Subalit sabi ni Maine ay hindi na dapat nila ito pagtuunan ng pansin.

Sabi niya, "Meron man pong ibang nega pero mananatili pa rin po tayong matapat at totoo sa isa't isa."


Pagkatapos nito ay inalala rin ng AlDub love team ang mga natutunan nila mula kay Lola Nidora (Wally Bayola) noong mga panahong nagliligawan ang mga karakter nila sa Kalyeserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Alden, "At lagi po naming baon ang turo ni Lola, yung paghihintay yung hindi minamadali yung mga bagay, na dapat pinaghihirapan, pinagtiyatiyagaan."

Dagdag naman ni Maine, "Dumating po yung tamang panahon noon, at alam po naming maraming tamang panahon ang dadating, hihintayin po namin yun kasama po kayong lahat dahil wala po tayong pagsubok na uurungan."

Matatandaang July 16, 2015 noong nag-umpisa ang "accidental love team" nina Alden at Maine sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga!

Nagbunga ito ng sarili nilang segment na "Kalyeserye." Pagkatapos nito ay nabigyan sila ng dalawang pelikula at isang teleserye.

Ngayong 2017, nakatakda ang dalawa na gumawa ng isang pelikula at concert.


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN