Kim Domingo not competing with Ellen Adarna

IMAGE Kim Domingo Instagram

Kim Domingo clarifies she's not competing with Ellen Adarna in any way: "Basta ako hindi ako nakikipagkumpitensiya. Basta ako eto ako, dito ako, trabaho-trabaho lang. Wala ako kumbaga na kailangan mahigitan ko siya o ano."


Nilinaw ni Kim Domingo na hindi siya nakikipagkumpitensiya kay Ellen Adarna sa pagpapaseksi.

Marami kasing mga netizens na pinagkukumpara sila.

Diin niya, “Basta ako hindi ako nakikipagkumpitensiya.

“Basta ako eto ako, dito ako, trabaho-trabaho lang.

“Wala ako kumbaga na kailangan mahigitan ko siya o ano.

“Hindi naman maiiwasan ang mga tao na magkumpara.

“Basta ako focused ako sa sarili ko, sa kung ano ang goal ko talaga.”

Hindi pa raw sila nagkikita o nagkakakilala nang personal ni Ellen.

Lahad niya, “Magha-hi po ako kapag nagkita kami.”

Ano ang tingin niya na pagkakapareho o pagkakaiba nila ni Ellen?

“Pagkakapareho po is siguro pareho kami ng image na sexy,” at tumawa si Kim.

Ano naman ang pagkakaiba nila?

“Ano ba? Height po siguro,” at muling tumawa si Kim.

At five-feet-seven inches tall ay mas matangkad si Kim kay Ellen.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim noong June 29 sa Palm Grill, Tomas Morato Ave., Quezon City, sa launch ng kanyang sexy photo book mula sa Summit Media, ang Kim Domingo: State Of Undress.

SEXIEST POLL. Number 2 sa FHM’s Sexiest Women in the Philippines 2017 si Kim, at number one naman si Nadine Lustre.

Pasok din sa listahan sina Rhian Ramos, Jennylyn Mercado, Maine Mendoza, Solenn Heussaff, Jessy Mendiola, Ellen Adarna, Angel Locsin, at Liza Soberano.

Natanong si Kim, kung siya ang tatanungin, sino ang nais niya sana na maging number one sa naturang listahan?

“Lahat naman po kami deserving,” sagot niya.

Pero sino nga ba ang choice niya?

“Marami, lahat po e,” at tumawa si Kim.

Pero kung ang personal choice niya ang tatanungin?

Pag-amin niya, “Hmmm… ako, Liza Soberano.

“Sobrang gandang bata tsaka iyon nga, although hindi siya nagpapaseki, sabi ko nga iba-iba naman ang definition ng sexy.”

Pero iginiit ni Kim na deserving na mag-number one sa listahan si Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FENDING OFF INDECENT PROPOSALS. Dahil lapitin siya ng mga kalalakihan, natanong si Kim Domingo kung anong klase ng mga lalaki ang iniiwasan niya.

Halimbawa, paano niya malalaman kung may asawa o isang DOM (dirty old man) ang lalapit sa kanya?

Sabi niya, “Ako naman, kahit noon pa man po, hindi ko po dine-deny na meron pong mga ganyan po,” at tumawa si Kim.

“Na nasa tabi-tabi po, mga indecent proposals, pero gaya nga po ng lagi kong sinasabi, iwas po ako sa mga ganun.

“Ako po kasi hindi po talaga ako nag-e-entertain ng ganyan po. Iyon po.”

Ano ang nararamdaman niya kapag maraming lalaki na nagpapantasya sa kanya?

Aniya, “Dahil nga po kumbaga nag-start po ako na sexy, sanay na din po ako.

“Siyempre may mga ano rin, mga bastos, sanay na rin po talaga kasi kumbaga ito yung mundo na pinasok ko so okay lang naman po sa akin.”

REAL-LIFE STORY. Samantala, ngayong Sabado sa Magpakailanman ay mapapanood ang tunay na kuwento ng buhay ni Kim sa episode na pinamagatang “Sa Likod ng Sexy Image: The Kim Domingo Story.”

Sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., tampok dito si Kim as herself, Tessie Tomas, Snooky Serna, Junacho Trivino, Arny Ross, at Geleen Eugenio.

Bukod dito ay kasali rin si Kim sa listahan ng YES Magazine’s 100 Most Beautiful Stars 2017 sa Sizzling Hot category.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN