Estranged husband of Sunshine Dizon involved in altercation with husband of alleged mistress

IMAGE Screengrab from 24 Oras / Instagram account of Sunshine Dizon

Sunshine Dizon's estranged husband Timothy Tan (right, in red shirt) figured in a brawl with Robert Sison (left), the husband of Tan's alleged mistress Clarisma Sison yesterday night, July 14, at a restaurant in Quezon City.


Nasangkot sa gulo ang estranged husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan.

Ito ay matapos umano nitong saktan ang isang lalaking nagngangalang Robert Sison sa isang restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, Biyernes ng gabi, Hulyo 14.

Si Robert ay ang mister ng alleged mistress ni Timothy na si Clarisma Sison, na siyang naging dahilan umano ng pakikipaghiwalay ni Sunshine kay Timothy.

Sa ulat ng 24 Oras ngayong gabi, July 15, ipinakitang putok ang noo at nakabenda ang kanang kamay ni Sison.

Lahad ni Sison, "He punched me right here, that's the first damage.

"Iba yung lakas ng suntok, there was this hard object na naramdaman ko that hit me."

Samantala, itinanggi naman ni Tan ang alegasyon ni Sison.

Aniya, si Sison ang unang umatake sa kanya at gumanti lamang siya para maprotektahan ang sarili.

Paliwanag pa ni Tan, "When I turned back, because I'm done already, I saw him on the urinal then, ayun, he just pushed me sabay suntok."

Ayon pa sa mister ni Sunshine, si Sison ang mas may motibo na manakit dahil sa kasong kinasangkutan niya noon.

Sabi ni Tan, "Yung ex-wife niya was allegedly linked to me before and then my ex-wife also filed a case against me.

"Pero the case was dismissed, so walang na-prove doon sa kaso na yun.

"Siguro let the people, let the public think and decide kung sino ang mas may motibo sa aming manakit, ako ba o siya?"

Sa panayam naman kay Sison, sinabi niyang kilala niya si Tan bago pa maganap ang insidente.

Dagdag ni Robert, "His wife is Sunshine Dizon, and Sunshine Dizon filed a case against him and his lover who happens to be my wife, Clarisma Sison."

Ayon pa sa report ng 24 Oras, sumailalim na sa inquest proceedings ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Sunshine Dizon still hurting over failed marriage
Sunshine Dizon still hurting over failed marriage
Sunshine Dizon drops cases against estranged husband
Sunshine Dizon drops cases against estranged husband
Sunshine Dizon moves toward marriage annulment
Sunshine Dizon moves toward marriage annulment
Timothy Tan issues public apology to Sunshine Dizon
Timothy Tan issues public apology to Sunshine Dizon


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN