Arnell Ignacio accepts MMFF execom post

IMAGE Arnell Ignacio Facebook

Arnell Ignacio accepted the offer to join the MMFF 2017 Executive Committee, in the wake of the recent resignation of its four members: "I embrace this august task as an invigorating challenge and at the same time as a heart-filled homecoming. In other words, Push mo na! Keri ko yan! Go! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!"


Nagpadala si Arnell Ignacio ng text message sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon na tinanggap na raw niya ang alok ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na maging bahagi ng Executive Committee, kapalit ng apat na miyembrong nag-resign kamakailan lang.

Nung ipinadala raw sa tanggapan niya ang sulat, at nagpaalam na rin ang MMFF sa Chairman ng PAGCOR na si Andrea Domingo, nagdadalawang-isip daw siyang tanggapin ito dahil hindi raw niya alam kung gaano kalaki ang scope ng trabaho, at baka magkaroon lang daw ng conflict sa dami ng ginagawa niya bilang AVP on Community Relations and Services ng PAGCOR.

Pero pagkatapos niyang makausap ang ilang miyembro ng MMFF execom, napagdesisyunan niyang tanggapin ito.

ACCEPTANCE MESSAGE. Narito ang kabuuan ng text message na ipinadala ni Arnell sa PEP.

Lahad niya, “I am profoundly thankful and honored to be chosen as one of the mmebers of the executive committee of the Metro Manila Film Festival.

“I welcome this opportunity to share my humble talent and knowledge to the industry I have known most of my life, and have much to say thank you to.

“As I sentimentally look back to the years of hosting the MMFF’s glorious parade of stars in the past, I embrace this august task as an invigorating challenge and at the same time as a heart-filled homecoming.

“In other words, Push mo na!

“Keri ko yan! Go!

“Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!”

FINDING PERFECT BALANCE BETWEEN BUSINESS VS. ARTS. Nakausap din ng PEP ang dating comedian/TV host at sinabi niyang aware daw siya sa problemang hinaharap ng MMFF, at conflict sa mga miyembro ng execom.

Alam daw niya ang di pagkakasundo sa pagpasok ng mainstream at ng indie films.

Sa sariling pananaw ni Arnell, puwede namang daw pagsamahin ang dalawang ito.

Saad niya, “Hopefully, ang munting natutunan ko sa gobyerno sa isang taon, magamit ko mabuti dito para magkaroon ng complimenting relationship yung arts at saka yung sustaining power of business, kasi hindi natin siya puwedeng paghiwalayin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre maganda pakinggang yun ay artistic. Siyempre, pumapalakpak tayo, pero we have to realize that it is a business.

“Pangarap ko na mahanap natin yung sensitive balance na hindi sila magsasapawan kundi magtutulungan, business and arts.

“Kasi hindi mo talaga puwedeng ihiwalay ang business, e.

“Probably, we cannot achieve it in this timeframe.

“Basta let’s just be consistent and hopefully makatulong yung pagpapaliwanag, at ng sharing ng knowledge na mai-emerge natin yun.”

AIMING FOR WIN-WIN SITUATION. Nagustuhan naman daw niya ang malaking pagbabago ng MMFF nung nakaraang taon, pero dapat i-consider pa rin daw talaga na kailangang kumita ang naturang filmfest.

“Kaya nga siguro na-consider ako dito kasi nung last year, kasi panay ang communication ko nun with the people from the Metro Manila Film Festival expressing my joy, my excitement with the new movies, at saka yung na-stir na excitement sa moviegoing public.

“Panalong-panalo tayo dun sa artistic elements, kaya lang hindi naman puwedeng i-discount na kailangang kumita.

“Siguro nga ang mas malalaking producers, yung Viva, yung kina Bossing Vic, siguro mas ma-encourage natin yung pagsamahin nila yung quality talaga, total naman they have the box-office power, e.

“Iakyat na lang nila sa level na yun.

“At the same time, yun namang masyadong malalim, huwag naman.

“So, hanapin natin yung common ground para panalo lahat.

“Kasi, yung moviegoing public, how can you tell them not to watch Vice Ganda? That they cannot watch Vic Sotto, that they cannot watch yung si Panday?

“Ang appeal ko na lang sana, since meron ka nang ganitong power to draw the crowds and to earn, gandahan niyo na talaga.

“After all, sino ba ang panalo kapag magandang-maganda na yung pelikula mo?

“Sila rin and the movie going public.

“It’s a win-win situation, but of course I cannot agree na basta tanggalin mo na lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi unfair din naman dun sa mga fans nila.

“Tapos, yung mga artistic films sana, i-translate naman nila sa season naman ng… kasi Christmas, e.

“Alangan naman magpalabas ka naman ng patayan at ano... ng hiwaan ng bituka sa Pasko.

“Kumbaga, let’s find this critical balance between the arts and business.

“Puwede naman 'yang magkasundo, e.

“Puwede 'yan sila mag-asawa, business and arts.

“Huwag lang sila magtalbugan kung sino ang mas importante.

“Both of them are important,” dagdag niyang paliwanag.

LONG PROCESS. Naniniwala raw siyang hindi ito agad-agad ma-achieve, pero kung pagtiyagaan makakamit daw ito sa mga susunod pang MMFF, kung hindi man ito makita agad sa ngayon.

“Probably we can do better next year until we get the perfect combination, the perfect chemistry.

“Minsan kasi ang problema natin, unang suntok, kailangan bagsak na agad yung kalaban.

“It’s a very huge task.

“Hindi mo magagawa ‘yan sa isang Metro Manila Film Festival na ma-perfect mo.

“Step by step, dun na lang,” pagtatapos ni Arnell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN