Jessy Mendiola recalls highlights of first anniversary with Luis Manzano

IMAGE Mark Atienza

Jessy Mendiola recalls some of the highlights of her first anniversary with BF Luis Manzano: "Napaiyak ako kasi wala sa usapan namin na kukuha pa siya ng dog, so hayun."


Sa selebrasyon ng 1st anniversary nina Jessy Mendiola at Luis Manzano bilang magkasintahan noong nakaraang June 25 ay niregaluhan ng TV host si Jessy ng isang cute na aso.

Napaiyak ang aktres sa sorpresang iyon ni Luis.

Kuwento ni Jessy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Linggo sa ASAP, “Ay oo, nag-one year kami nung June 25.

“Naiyak? Hindi, kasi nung napag-usapan namin na kukuha kami, dalawa kasi pinagpipilian namin—isang mukhang teddy bear, tapos isang mukhang siya, si Chewy.

“Si Chewy mukhang nakakaawa, yung isa naman mukhang teddy bear.

“Tapos, nag-decide kami na wag na lang kaming kumuha ng aso kasi ang dami na naming dogs.

“May isa akong German shepherd, tapos siya may dalawa siyang shitzu saka vision.

“Sabi ko, “Sige na nga, wag na lang, mapapaalaga tayo nang di oras.”

“Ang nakakatawa nun, nung pauwi na kami, galing kami ng mini-vacation namin sa Solaire, pagkauwi namin biglang, 'Love, wait lang ha? May kukunin lang ako sa likod.'

“Sa likod ng house pagbalik niya, dala-dala niya yung tuta, napaiyak ako kasi wala sa usapan namin na kukuha pa siya ng dog, so hayun.

VACATION. Bukod pa rito ay nag-staycation sila sa Solaire hotel.

Plano sana nilang mag-abroad, pero dahil sa sprain ni Luis ay minabuti na lang nilang manatili sa Pinas.

Patuloy niyang kuwento, “Gusto kasi namin na maging magaling na muna siya bago kami lumabas.

“Kasi siyempre pag out of the country, ang daming lakad, ang hirap pag iika-ika siya.

“Nag-decide na lang kami we stay put na lang in a hotel.

“Marami kaming plans na out-of-the-country pero di natutuloy, yun din kasi workaholic, so sabi ko, 'Okay lang 'yan, wait ka lang,' kasi sobrang love din niya ang work niya.

“At the same time, nakikita ko na kahit pilay na siya, nagtatrabaho pa siya kaya sabi ko marami pang time para magbakasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For now, magpagaling muna siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN