Jessy Mendiola describes Luis Manzano as "caring" boyfriend: "Kung alagaan niya ako, para akong bata."

IMAGE Jessy Mendiola Instagram

Jessy Mendiola on BF Luis Manzano's greatest strength: "Yung power naman niya, yung strength niya, siya yung type na tao na kahit na ano pang negative na ibato sa kanya, he always turns it into positive."


Panay papuri ang binitawan ni Jessy Mendiola nang tanungin kung paano niya ide-describe si Luis Manzano bilang isang boyfriend.

“Sobrang caring, para na nga niya akong anak.

"Kung alagaan niya ako, para akong bata.

“Nakakatuwa, pero alam mong he’s there to guide you, he’s there to protect you and take care of you.

“Saka yung support niya, iba talaga.

“Kahit na ano pa ang nangyari, kahit na ano pa mangyayari, I know that he’s always there for me,” pahayag ni Jessy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa nakaraang interview kay Luis ay nabanggit nitong hangang-hanga siya sa tatag at tibay ni Jessy bilang isang tao.

Para naman sa aktres, bilib na bilib siya sa pagiging positibo ng kasintahan.

Saad ni Jessy, “Kita din naman niya yung mga moments of weakness ko.

“Parehas lang, siya din naman, nakikita ko rin naman sa kanya yung strength niya.

“Yung power naman niya, yung strength niya, siya yung type na tao na kahit na ano pang negative na ibato sa kanya, he always turns it into positive.”

FHM'S SEXIEST. Pumang-apat si Jessy sa 2017 FHM Sexiest Women poll, kunsaan nakopo ni Nadine Lustre ang number one spot.

Masaya raw si Jessy na pumasok pa rin siya sa Top 5 kahit hindi siya nangampanya.

Saad niya, “Unexpected, alam mo, hindi naman sa di ginusto.

“Kumbaga, hindi ko siya pinansin, kasi alam ko I was given the chance already last year.

“Expected ko ibang tao na yung magya-shine, chance naman ng iba.

“Expected ko na hindi na ako Top 1, or di na ako kasali sa Top 10 nila.

“Nakakatuwa, kasi di naman din ako nag-campaign o di naman ako nag-push, pero nakikita pa rin nila ako as one of the sexiest in the Philippines.

“I’m happy na kahit di naman masyadong nakikita ngayon, at least naa-appreciate nila yung body positivity ko para sa ibang tao.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUIS'S TRACK RECORD. Sa pagiging Mo. 1 ni Nadine ay may mga meme sa social media na kumalat na dapat daw kabahan si James Reid kay Luis, dahil may record daw ang TV host na nagiging girlfriend ang karamihan ng mga nagna-number one sa annual FHM poll.

Ex-girlfriends ni Luis sina Angel Locsin at Jennylyn Mercado; at girlfriend naman ngayon ng TV host si Jessy, na nag-number one noong 2016.

Pinagtatawanan lang ito ni Jessy.

Sabi niya, “Baka magalit si James!

“Pikon? Hindi, okay lang yun.

“Sanay na ako. Ako na yung last sexiest niya... sana.

“Pero ako, naseseksihan talaga ako kay Nadine, ha!

“Deserve niya, kasi last year, top 2 siya.

“It goes to show na iba-iba talaga ang sexy, iba-iba talaga ang tingin natin sa mga sexy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN